Hindi mawala sa isip ko si Quiah kahit anong gawin ko. Kaya ngayon ay imbis na ako ang nagtuturo kay Jeiro rito sa library ay si Jehanee na lang muna. Sinabi ko kasing hindi maganda ang pakiramdam ko. At saka kasama rin namin si Jehanee ngayon kasi absent daw ang crush niya kay hindi sila sabay magla-lunch.
Nakapagsinungaling pa ako dahil sa bruho na Quiah na 'yon. Eh kasi naman 'di talaga mawala sa isip ko na nasa hospital siya ngayon at nababagot. Ugh! Parang gusto ko tuloy mapadali ang oras at puntahan agad siya.
"Anong problema? Bakit kanina pa kita napapansing wala sa sarili?" biglang tanong ni Jehanee habang papasok kami sa classroom.
Nag-bell na kasi kaya bumalik na kami. Hindi rin kami nakapag-usap masyado ni Jeiro. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pagsisinungaling niya sa 'kin. Bakit niya kaya nagawa 'yon? Best friends kaya sila ni Quiah kaya bakit niya sisiraan? Fake friend ba siya?
"Wala. Siya nga pala tama ka. May sakit nga si Mr. Grumpy. Nasa hospital siya ngayon," kunwareng kibit balikat na kwento ko.
"Talaga? Sabi sa 'yo, e. Walang tao ang hihilinging magkasakit sila." Tawa niya.
"Oo na. At nagpapabisita rin siya sa hospital mamayang after class. Gusto mo sumama?" tanong ko, nawala na ang kaba dahil hindi niya ako binulyawan sa pag hindi paniwala sa kaniya
"Sure pero ihahatid lang kita. Hindi ako papasok sa loob." Ngisi niya
"Okay," sagot ko na lang at binalewala ang ngisi niyang may laman.
Pagkapasok namin sa classroom ay sakto ring sunod na dumating ang teacher. Hindi tuloy kami nagawang pag chismisan ng mga kaklase ko. Kawawa naman, nawalan ng trabaho. Mahal pa naman ang sweldo nila. Si Ma'am naman kasi.
"Alam niyo ba kung anong meron bukas?" biglang tanong ng teacher namin sa last subject.
"HOLIDAY!"
Ha? Holiday? Gulat na nilingon ko si Jehanee na nakangiti rin ngayon dahil sa balita.
"Mabuti alam niyo. Bye, Students," paalam niya at lumabas na.
Binalingan ko ulit agad ng tingin si Jehanee na nagliligpit na ng gamit.
"Holiday bukas?" tanong ko.
Tumigil siya sa pagliligpit at tumingin sa 'kin na nakakunot ang noo.
"Kakasabi lang ni Ma'a, 'di ba? At saka kaninang umaga pa bali-balita 'yan. Wala ka bang naririnig? O masyado kang occupied?"
Umiling ako at nagsimula na ring magligpit. Ganoon ba ako ka occupied at hindi ko man lang alam na holiday bukas? Sabay kaming lumabas ni Jehanee alangan pareho kaming pupuntahan. Tanga lang, Jeah? Pagsakay ko sa kotse niya ay agad niyang pinaharurot papunta sa hospital. Hi dinko mawari pero excited ako.
"Bakit ka nga ulit pupunta doon, Couzie?" biglang tanong ni Jehanee.
"Bibisita, ano pa ba?"inosenteng tanong ko.
"Bakit kailangan mo pang bisitahin? Hindi pa ba sapat na alam mong na hospital siya?" Nakangising tanong niya.
"Anong magagawa ko eh nagpapabisita ang loko." Nguso ko.
"At bakit ka naman susunod? Akala ko ba iniwan kang mag-isa sa restaurant?" Ngisi pa rin niya.
Asar na binalingan ko ng tingin si Jehanee na nakangising nagd-drive. Tumawa siya ng mapansin ang titig ko sa kanya. Napakapasmado ng bibig niya. Sarap sungalngalin.
"Chill! Nagtatanong lang." Halakhak niya, halatang nang-aasar pa rin.
"Napakalayi ng tono mo sa pagtatanong at tono mo sa pang-aasar, Jehanee. Tama na at naaasar na rin ako sa 'yo." Iling ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...