Yehey! It's saturday! Walang pasok means walang asungot! Bumangon na ako at itinali ang buhok. Plano kong maglinis ng bahay ngayon since sabado at wala akong magawa. Dahil hindi nga ako nag-aalmusal ay sinimulan ko ng linisin ang kwarto. Ang mga papel ay inilagay sa basurahan. Ang mga notebook at books ay nasa ibabaw ng table.
Pagkatapos kong nilisan ay ang kwarto nina Mommy't Daddy. Galing kami sa pagiging mayaman kaya malaki itong bahay namin. Na sa sobrang laki nahiya akong tumira mag-isa. Sunod kong nilinisan ang mga guest rooms. Itong bahay na lang kasi ang naiwan sa 'kin kaya kailangan ko 'tong alagaang mabuti.
Sunod kong nilisan ang ang sala't kusina. Ang kusinang hindi nagagamit dahil hindi ako marunong magluto at hindi rin ako kumakain dito. Sunod naman ay ang garahe. Ang garahe na walang sasakyan kahit bike. Dati may apat na Van dito pero ayon nga at kinuha rin ni Tito. Swapang kasi sa yaman 'yon. At dahil bata pa ako no'n wala pa akong nagawa. Kaka 18 ko pa lang kasi at 17 pa ako no'ng kunin niya sa 'kin ang mga sasakyan at kompanya.Sunod kong nilisan ang ang pinaka paborito kong parte ng bahay. Ang garden sa tabi ng swimming pool. Yes! Kapag stress ako sa school, dito ako tumatambay. Humihiga ako sa tabi ng swimming pool o 'di kaya ay nag tatanim ng mga bulaklak. Flowers are my medicine. Lalong-lalo na ang white roses.
Past lunch na ng matapos ko ang lahat ng gawain ko sa bahay. Sa katunayan hindi naman talaga siya madumi dahil nga ako lang mag-isa pero wala akong magawa, e. Wala akong projects o assignment na kailangang gawin kaya ito. Dati bago mamatay ang parents ko medyo mataba ako pero ngayon na wala na ang parents ko, halos kita na ang buto sa 'kin sa kapayatan.
Sino ba namang hindi papayat kapag lunch lang ang kinakain mo mula lunes hanggang biyernes tapos pagdating ng sabado't linggo biscuit lang din. Disadvantage of being nerd. Dati kasi may cook kami at pinapaturuan ako ni Mommy magluto pero umaayaw ako kasi mas gusto ko ang mag basa ng libro. Hindi ko naman kasi alam na maaga pala akong iiwan ng mga magulang ko.
Kakatapos ko lang maligo ng may marinig akong nag doorbell sa baba. Wala akong kaibigan kaya sure akong hindi ko kaibigan ang nagdodoorbell. Malabong si Tito 'yon kasi wala naman 'yonng paki sa 'kin simula nang makuha niya ang kayamanan namin. Siguro si Tita? Sa naisip ay mabilis akong bumaba at binuksan ang gate.
"Tit----"
"What took you so long to open the gate, nerd?" parang asar pa na tanong niya.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko kay Mr. Grumpy.
Pero imbis na sumagot ay basta na lang siya pumasok sa bahay ko. At tuloy-tuloy pa hanggang sa loob.
"Hoy! Sinabi ko bang pumasok ka!" sigaw ko.
Mabilis kong isinarado ang gate at tumakbo pasunod sa kanya sa bahay. Pagdating ko doon ay prente na siyang nakaupo sa sofa at tinitingnan ang loob ng bahay ko.
"I heard you're poor but this isn't the house of the truly poor. Are you pretending?" kunot-noong tanong niya.
Wow! Hiyang-hiya ako sa diretsahang tanong ni Kuya. Umupo ako sa tapat na sofa na inuupuan niya.
"Unang-una, hindi kita pinapasok. Pangalawa, hindi tayo close para pumunta ka rito. At pangatlo, kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?"
Tumaas ang sulok ng labi niya at tumitig sa 'kin. 'Yong titig na abot hanggang capillary mo.
"Well, naging interesado lang naman ako sa 'yo simula no'ng naging teacher ka namin. You almost marked me absent, nerd." Tawa niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"But I didn't. You see, Mr. Grumpy, respect is important and you didn't show that to me that day so better threat you." Ngisi ko at sumandal sa sofa.
"You're one of the annoying witches!"
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...