Kabanata 7

847 29 0
                                    


Nang dumating ang teacher namin ay nag-discuss ulit siya at nagtanong ulit kung sino ang willing sumama sa kanya sa langit. Chos! Sa kabilang section at ang pinsan kong masyadong masaya sa ginawa ko kanina ay mabilis nagtaas ng kamay. Kaya ayon, nando'n siya ngayon habang ako dito nakaupo at nagbabasa ng notebook.

"Pabait-baitan, 'yon naman pala ang sama rin ng ugali."

"Tama. Akala mo kung sinong tahimik."

"She's the real bitch. 'Yong tipong palihim kung umataki."

"So pathetic!"

Wow! Hiyang-hiya ako sa pinaggagawa niyo. May pinipili akong oras na mambara at hindi 'yon ngayon kaya quite muna ako. Ang iniisip ko ngayon ay ang lunch 'kuno' namin ni Quiah also know as Mr. Grumpy. Pinalipas ko ang oras ko sa pagbabasa at ang mga kaklase ay sa pagpaparinig sa 'kin.

Malapit ng mag twelve nang may matanggap akong text. Akala ko kay Gina pero sa pinsan ko pala.

From Jehanee:

Couzieeeeeeeeee, may crush ako kanina sa tinuruan kong section at ngayon nga ay magkasama kaming magla-lunch. Sorry 'di kita masasamahan. More chika later. Mwuaps!:)~

Napailing na lang ako at hindi na nagreply.Sino kaya doon ang crush niya? Saktong twelve ay tumayo na ako para ligpitin ang gamit ko. Sa pinto na ako maghihintay kay Quiah. Ayoko siya pumasok at baka pagkaguluhan na naman.

Sumandal ako sa pinto para doon na maghintay sa kaniya. Sabi niya saktong twelve nandito na siya pero lagpas na wala pa rin siya. Hindi pa naman ako mahilig maghintay. Pero hinayaan ko na lang.

12:15 at wala pa rin siya. Panay na ang tingin ko sa relo ko pero wala pa rin talaga.

12: 28 na at ang kaibigan niya ang nakikita kong parating sa direksiyon ko. Ngumiti siya sa 'kin na mukhang nahihiya pa.

"Nasa'n na ang kaibigan mo?" takang tanong ko.

"Sorry, Sharine. May iba kasi siyang kasamang mag-lunch at mukhang nakalimutan na may usapan kayo." Nakakamot sa ulong sagot niya.

"Nakalimutan o talagang kinalimutan?" tanong ko ulit na parang babaeng hindi sinipot ng nobyo sa date.

Well, hindi naman talaga ako sinipot kaya lang hindi ko siya nobyo.

"Sorry..."

Kumulo ang dugo ko ng maaalala ko ang sinabi niya kagabi sa phone.

This time it's serious.

Serious niya mukha niya! Ang sarap niyang chop-chopin ng pinong-pino. Ah!

"Kapal talaga ng mukha mo, Quiah!" sigaw ko at padabog na naglakad.

Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin ako ng kaibigan niya.

"Sharine!"

Inis na nilingon ko siya. Tumatakbo na siya palapit sa 'kin at tumigil sa harap ko.

"Pwede ba ako nalang ang kasama mo mag-lunch?"

Kumunot ang noo ko.

"Proxy? Substitute? Ersatz? Crosspiece? Compensation? Vicar? Participation? Replacement?" taas kilay na tanong ko.

Natawa siya at umiling.

"Hindi ko ugaling saluhin ang mga inindian ni Quiah. Gusto lang talaga kitang makasama mag-lunch."

"Well, sorry. Hindi ako magla-lunch eh. Mag-aaral ako. "

"Then sama ako. Let's go?" ngiti niya.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon