Mabuti at nakumbinsi ni Quiah si Jeiro na umuwi. Okay lang kahit gabi na niya itong nakumbinsi, ang importante hindi maaabutan nang umaga si Jeiro roon.
Dinala siya ni Quiah sa kwarto niya at nakasunod lang ako. Hindi lasing si Jeiro pero mukha siyang lasing na isang bote na lang at tataob na.
Nakakaawa ang mukha niya, lalong-lalo na't naiiyak na naman siya.
"I'll just get water downstairs," paalam ni Quiah.
Tumango ako sa kaniya. Ako muna ang umupo sa tabi ni Jeiro na nakahiga sa kama niya at miserableng-miserable ang mukha.
"Jeiro?" mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin. Nahahabag talaga ako sa mukha niya ngayon.
"Hindi magiging masaya si Jehanee kapag magpapatuloy kang ganito, Jeiro. 'Di ba alam natin ayaw niya sa madudumi at madudungis, e anong ginagawa mo sa sarili mo ngayon?"
"W-Wala na rin naman siya, Sharine. Kahit anong gawin ko sa katawan at buhay ko, wala nang magbabago dahil wala na si—"
"Alam mo naman pala na wala nang mangyayari kahit anong gawin mo pero bakit ginagawa mo pa rin 'yan?" putol ko sa mga sinasabi niya.
He's not like this and I don't want him to be like this. Nakakahabag lang tingnan at ang sakit pagmasdan kapag ganito siya.
"Alam ko na wala na siya, Sharine, kaya nga ginagaw ako 'to. Baka sakaling kapag sirang-sira na ako ay bumalik siya at sawayin ako." Tumulo ang luha sa mga mata niya.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi pag-iyak ang ipinunta ko rito.
"B-Baka sakali lang naman, Sharine."
"We need to face the reality, Jeiro. Jehanee's gone and she's not coming back anymore. Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay alagaan ang mga naiwan niya sa 'tin. At 'yon ay ang mga sarili natin kaya alagaan mo ang sarili mo lalo na ang mukha mo dahil diyan ka niya nagustuhan at minahal. 'Wag mong hayaan na magsisi 'yon kung nasaan man siya ngayon."
Pilit kong pinapagaan ang loob niya. Nabigla ako nang bigla na lang siyang umupo sa kama at niyakap ako. Hindi lang basta yakap kundi 'yong mahigpit na mahigpit na yakap.
"Can I just hug you even for a minute? I just want someone who'll pretend like Jehanee. Kahit sa huling pagkakataon lang kasi hindi ko nagawa 'to bago siya nawala. Hindi ko siya nayakap at nahalikan. I know I cant kiss you and I will never will because I am loyal to Jehanee and you have Quiah but at least a hug, Sharine."
Hindi ako umimik ngunit hindi rin ako umalma sa mahigpit niyang yakap. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko ay hinaplos ang likuran niya para pagaanin ang loob niya.
"Magiging okay rim tayo, Jeiro. Magiging okay rin tayo and we will claim it. Basta huwag na muna nating pilitin ang mga sarili natin. What happens, happens. It's like take the pain or leave it but kahit ano naman ang piliin natin, hahabulin pa rin tayo nang sakit. We will love Jehanee from here."
"Hm." Tango niya.
Nang may maglapag nang tubig sa gilid nang kama ni Jeiro ay kinabahan agad ako. Si Quiah 'yan but I can't push Jeiro.
Tumingin si Quiah sa 'min at kumunot ang noo. Gusto kong magpaliwanag pero dahan-dahan namang nawala ang kunot sa noo niya at ngumiti sa 'kin at sumenyas na okay lang.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinenyas niya. Matagal-tagal bago bumitaw si Jeiro sa yakap at mabilis rin siyang nakatulog after.
Umupo sa Quiah sa tabi ko habang binabantayan namin si Jeiro. Jeiro's parents aren't around.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...