Kabanata 47

413 12 0
                                    

Hanggang maghapon ay hindi pa rin umuwi si Jehanee at Jeiro at magandang bagay 'yon para sa 'kin. Kahit hindi naman kami nagkausap ni Jehanee sa nangyari sa 'min ay pakiramdam ko okay na kami kasi tinatawag na niya ulit akong couzie.

Kanina pa sila nag-aasaran ni Jeiro sa sofa nang kwarto kung nasaan ako. Habang si Quiah ay nasa tabi ko, nakahiga at panay laro sa kamay ko.

Habang ako hindi ko pa rin siya pinapansin pero hinahayaan ko lang siyang laruin ang mga daliri ko.

"Couzie, anong gusto mong kainin? Baka nagugutom ka na? Ako na maghahanda," tanong ni Jehanee.

"Oo nga, Sharine. Anong gusto mo? Sabihin mo kang at kami nang mahal ko ang maghahanda," dagdag naman ni Jeiro.

Napataas naman ang kilay ko. Talaga bang ayaw nilang maghiwalay kahit sandali?

"'Wag ka na sumama, babe. Ako na lang," presinta ni Jehanee.

Agad namang ngumuso si Jeiro. "Sama ako. Ayaw maiwan." Iling nito na parang bata.

Napatawa ako nang mahina. Umaakto na namang parang bata.

"Wala akong gustong kainin. Busog pa ako, 'wag niyo akong sanayin baka kapag wala na kayo rito, ako naman ang pupunta sa bahay niyo para hanapin ang luto niyo." Tawa ko.

"Okay lang 'yon. Punta ka lang sa bahay namin." Ngisi ni Jeiro na pinagdaanan ang namin.

Ngumiwi si Jehanee at pabirong sinapak si Jeiro sa mukha.

"Magtigil ka. Magkaiba tayo nang bahay."

Malakas na natawa si Jeiro na sinabayan ko naman nang mahinang hahikgik.

"By the way, Sharine, rito kami matutulog, ah?"

Mabilis akong tumango. I want them here.

"Sige sa baba muna kami ni Quiah. Magluluto kami nang hapunan natin," paalam ni Jeiro at naglakad palapit sa direksiyon ni Quiah.

Si Quiah na walang pakialam sa lahat ay lumapit sa 'kin at yumakap sa katawan ko.

"Hoy!" sigaw ni Jeiro sa nakita.

Natawa ako at si Jehanee. Ngumuso si Quiah at isiniksik ang mukha sa tagiliran ko.

"Luh? Loko ka ba? Samahan mo 'ko roon sa baba!" sigaw ni Jeiro at hinila ang paa ni Quiah.

"Hey!" reklamo agad ni Quiah at nagpumiglas. .

"Hoy. 'Wag ka ngang parang bata!" sigaw ni Jeiro.

"Quiah, sige na. Sumama ka na kay Jeiro sa baba." Tawa ko.

"No. Gusto ko lang dito."

Si Jehanee ay hindi na matigil sa pagtawa. Nasisiyahan sa nakita na nangyayari.

"Quiah, sige na. Baba na." Pagtutulak ko sa kaniya.

Kawawa naman kasi ang mukha ni Jeiro na kanina pa hila nang hila kay Quiah.

"'Wag na. Ako na lang sasama kay Jeiro sa baba. Dito na lang kayong dalawa." Tawa ni Jehanee na mukhang nakuha na yaw umalis ni Quiah.

Ngumuso lang si Jeiro at tinigilan na ang paghila kay Quiah, sumuko na yata.

"Hindi na, Jehanee. Kaya na 'yon ni Jiero with Quiah of course. Sure akong sasama si Quiah kay Jeiro dahil ayaw niya akong magalit." Pagpaparinig ko kay Quiah.

"Ahay," rinig kong alma ni Quiah.

Bahagya kong tinulak ang kamay niyang nakayakap sa katawan ko.

"Sige na, hon. Baba na."


The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon