Kabanata 25

439 11 0
                                    


Nagpupunas ako ng basa kong buhok ng marinig ko ang doorbell. Tulog pa rin si Quiah kaya lumabas muna ako ng kwarto para buksan ang pinto. Akala ko parents ni Quiah pero nagulat ako ng makita ko si Jeiro.

"Jeiro," utas ko.

"Hi, good morning." Ngiti niya.

"Good morning din." Nilugawagan ko ang pagkakabukas ng pinto para anyayahan siyang pumasok.

Nang makapasok na siya ay isinirado ko muna bago siya hinarap ng nagtataka.

"Anong ginagawa mo rito?"

Bumuntong hininga siya at naglakad papasok sa kusina kahit kinakausap ko pa siya. Wala akong nagawa kundi sundan siya para magtanong ulit.

"Uulitin ko, Jeiro. Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Quiah?"

Humarap siya sa 'kin at ngumisi.

"Bahay lang ni Quiah?

Kinunotan ko siya ng noo.

"Bakit kanino pa ba?"

Nawala ang ngisi niya at napalitan ng ngiwi.

"Anyway, nandito lang naman ako dahil sa pinsan mo. Pinapunta ako para turuan kang magluto."

"Talaga?" Gulat na tanong ko.

Aw. Ang sweet naman ng pinsan ko.

"Tuturuan mo 'ko talaga?" Excited na tanong ko.

Humarap siya sa 'kin at kumindat.

"Uh-huh! Akong bahala sa 'yo.

"Yehey!" Talon ko at mabilis ba kumuha ng apron para sa 'kin at sa kanya.

"Magsimula na tayo bago pa magising si Quiah." Ngiting-ngiti na ani ko.

Finally, maipagluluto ko na rin si Quiah. Nae-excite ako. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang ipinagluto ko siya? Sana maganda ang kalabasan nito.

Kinuhaniya ang apron sa kamay ko at ngumiti.

"Tara na't ipagluto na natin ang hari ng buhay mo."  Halakhak niya at isinuot ang apron.

Natawa ako sandali bago nag seryoso at nakinig sa mga sinasabi niya kung paano magluto ng pakbet. Oo, pakbet. Healthy daw 'yon kaya pumayag na lang ako. As if may choice ako at saka masarap rin naman ang pakbet.

Madali lang lutuin kaya 30 minutes lang okay na kami. Nakaluto na kami ng pakbet na sana okay ang pagkakaluto.

"Ano? Okay ba?" tanong ko, kinakabahan.

Pinapatikman ko kasi sa kanya ang luto ko. Kung maayos ba ang timpla, hindi ba maalat o matabang.

Abot-abot ang kaba ko ng tinikman na nga niya ang luto ko.

"Masarap." Ang unang lumabas sa bibig niya na nagpasaya sa 'kin ng todo.

"Talaga?" ngiting-ngiti na tanong ko.

"Oo. Good job, Sharine." Ngiti rin niya.

"Thank you!" I giggled.

Ang saya ko. Sana talaga magustuhan 'to ni Quiah. Iba-iba pa naman ang taste ng mga tao. Baka kay Jeiro masarap 'to tapos sa kaniya hindi pala.

"O, halika na, tulungan mo na akong magligpit para makakain na tayo," aya ko at nagsimulang magligpit sa mga ginamit namin.

Kukunin ko na sana ang kutsara na gamit niya sa pagtikim ng luto ko ng may maapakan akong basa at madulas.

"Ah!" sigaw ko.

Akala ko mapupunta ako sa sahig at naghihintay na langa kong maramdaman ang sakit pero napahinga ako ng maluwag ng nakita kong nasalo naman pala ako ni Jeiro.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon