Kabanata 55

353 11 0
                                    


Walang patawad, gusto ko pa sanang magluksa para sa pinsan ko pero heto't may klase na naman. Pagkapasok ko sa classroom namin ay naaalala ko kaagad ang mga pinagdaanan namin ni Jehanee rito.

'Yong bagong dating pa lang siya. Kung paano niya binara si Gia. Kung paano niya ito minura.

Lahat-lahat naaalala ko. Ang kaniyang paglilihi. Ang kaniyang mga pang-aasar. Ang kaniyang mga nguso.

Ang lahat-lahat sa pinsan ko ay mami-miss ko.

"Jeah," tawag agad ni Gia sa 'kin.

Nilingon ko siya at bahagyang nginitian. Wala talaga ako sa mood ngayon para ngumiti nang malaki.

Umupo ako sa upuan ko. Si Quiah ay mal-late raw muna. Hindi ko na rin tinanong kung saan ang punta dahil mas importante muna sa 'kin ngayon si Jehanee.

Nakakawasak lang isipin na wala na siya. Na ang mahal ko ay wala na.

"Are you okay na?" maingat na tanong niya at umupo sa tabi ko, kung saan nakaupo si Jehanee rati.

Hindi ako sumagot, instead I smiled bitterly.

"Kailan kaya, Gia?" tanong ko sa kaniya. "Kailan kaya akong magiging okay? Kailan ko kaya matatanggap?"

"Shh," aniya at hinaplos ang likuran ko.

Hindi no'n nawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Magiging okay ka rin, Jeah. Hindi man ngayon pero I know eventually, you will. Masakit talaga mawalan nang mahal sa buhay pero we need to be strong dahil may buhay rin tayo."

Hindi ako umimik. Tama siya roon pero hindi ko mapilit ang sarili ko na maging okay. Hinding-hindi at wala akong planong pilitin ang sarili ko.

If I'll accept it that's because I am healed not because I am forced.

"Magiging okay lang naman siguro ang takbo nang buhay ko, Gia, 'no? I mean, now that my cousin's dead and I have nothing but Quiah and Tita na lang, magiging okay lang naman siguro ako, 'no?" umaasang tanong ko, nagpapanggap na hindi alam ang sagot kahit alam na alam ko naman.

"I don't think so," sagot niya na malungkot.

Ngumiti muli ako nang mapait. Alam ko. Alam kong hindi ako magiging okay. Maaaring mabubuhay ako at makakangiti pero ang nangyari ay tatatak sa 'kin. Mananatili siya sa 'kin kahit anong gawin.

Pero gaya nga ng sabi ko, buong puso kong tatanggapin ang lahat basta si Jehanee. Hindi ako magrereklamo. Gano'n ko siya ka mahal.

"Narito rin ako, Jeah. Kaibigan mo na ako ngayon, remember? I'll be with you thru your ups and down. Alam kong walang makakapalit kay Jehanee sa buhay mo pero lagi kong tandaan na may Gia pa rin na nasa likuran mo lagi. I know I'm not good to you before, shocks, and rude ko nga and bully but I've changed now." Ngumiti siya pero ang mata niya ay naiiyak.

Tumango ako. I know she already changed and I can see that. There's no need to say it kasi nakikita ko sa kga galaw niya na nagbago na siya. She's not the Gia before.

Magkaugali kasi sila ni Jehanee dati. Ang war freak tapos parehong ayaw magpatalo kaya nga minsan, naiiisip kong mukha silang kambal.

"I've changed because of you, Jeah. You are just so pure that made me question myself if tama pa ba na gano'n ang trato ko sa 'yo. Na kung deserve mo ba 'yon? And I come up with the realization na no, you don't deserve those because you're so pure."

Nakinig lang ako sa kaniyang side instead of speaking. It's her turn naman now. Saka ko na lang sasabihin mamaya ang pinapasabi ni Jehanee sa kaniya.

"May nasabi na ako sa 'yo noon tungkol sa rason kung bakit ako rude sa 'yo but I am not sure if I already said sorry since I am a type of person who thinks about the my ego the most because for me it matters the most, but now...I'll say sorry." Pumiyok ang boses niya which I didn't expected.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon