Kabanata 6

921 36 0
                                    



Mahirap magkaroon ng pinsan na maingay at makulit kagaya ni Jehanee. Ito nga't kinukulit akong baguhin ang style ko para makahanap na raw akong nobyo. Ano? Magbabago lang para makahanap ng jowa? 'Wag na lang!

"Couzie, sige na.... Kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako," pangungulit niya.

Mabuti na lang tulog na ang mga bata at nag-aaral na lang ako. Nakita na niya ang mga bata at nakipag laro rin. Mabilis silang naging close kasi isip bata din 'tong pinsan ko. At simula raw ngayon dito na siya sa 'kin makikitira kasi nag transfer na siya sa school at sinuwerteng magkaklase kami.

"Couzie, sige na... No offends but you look manang talaga." Nguso niya.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpaliwanag.

"Nag-aaral ako, Jehanee, 'wag kang magulo."

"Eh..." Padyak-padyak niya sa kama ko.

Natigil lamang siya ng tumunog ang cellphone ko. Bago ko pa 'yon makuha ay naunahan na niya ako at sinagot.

"Hello? Hello?" sigaw niya. " Manliligaw ba 'to ng pinsan kong super duper manang ang style?"

Naman! Ano bang meron sa utak ng pinsan kong 'to at puro na lang jowa ang nasa isip? Wala nang ibang laman. Nakaka-stress.

"Couzie, hindi mo raw manliligaw pero gusto kang makausap." Abot niya sa 'kin nang phone ko.

Kumunot ang noo ko pero inabot ko rin ang cellphone at niloud-speaker para makakapagbasa pa rin ako habang nag-uusap kami ng kung sino man ito. Wala namang may ibang alam ng number ko kundi si Tita at si Jehanee at sure akong hindi 'to si Tita. Lalo namang hindi si Jehanee.

"Hello, nerd?"

Natigilan ako sa narinig kong boses. Boses ba 'yon ni Quiah?

"Eh, Couzie.... Ang gwapo naman ng boses." Tili ng pinsan kong higad.

"Napatawag ka, Mr. Grumpy?" tanong ko na lang sa kabila ng pagkagulat.

Ano namang itatawag niya sa 'kin? At saka paano niya nakuha number ko?

"Nothing, really. I just want to know if you already had your dinne---"

"Couzie! Ang sweeet niya." Tili ulit ng pinsan ko, hindi man lang pinatapos si Quiah sa sinasabi kaya binato ko siya ng ballpen para patahimikin.

"Wala ka na doon," pagsusungit ko kay Quiah.

Tumawa lang siya sa sinagot ko. Mukhang siyang-siya pa siya kapag sinusungitan.

"Couzie! Ang gwapo talaga ng boses lalo na pag tumawa. Eh..." Padyak-padyak ng pinsan ko ulit, lumalabas na ang pagiging higad.

"Couzie, shut up okay at saka kung gusto kayo mag-usap, oh." Abot ko sa kaniya ng cellphone.

"No!" mabilis na tanggi niya. " Sa 'yo 'yan. 'Wag mong ibigay sa 'kin at baka tanggapin ko."

Natawa ako sa kakulitan ng pinsan ko. Higad na makulit. Hay naku!

"Hmm... My nerd is happy," komento naman ng isa sa kabilang linya.

"Shut up, Mr. Grumpy. Ibababa ko na 'to kasi mag-aaral pa ako," paalam ko agad, hindi maka move-on sa tinawag niya sa 'kin.

Ayaw ko namang maging bastos 'no kaya nagpaalam na ako. Hindi ako pinalaking gano'n ng mga magulang ko.

"'Di ba pwedeng sabay na tayong mag-aral? Nag-aaral din ako dito, eh."

"Wow, ah! Kung maka ' 'Di ba pwedeng sabay na tayong mag-aral? Nag-aaral din ako dito, eh''. Akala mo 'di ako iniwan sa restaurant ng mag-isa," panunumbat ko.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon