Kakaupo ko pa lang sa upuan ko ng tumayo agad si Gia at pinuntahan ako sa upuan ko. Galit ang mga mata niya pero masyado akong masaya para patulan siya. Isang hakbang na lang ay nasa harap ko na siya ng pumasok bigla ang teacher namin kaya natigil siya sa paglalakad at padabog na bumalik sa upuan niya. Napailing ako. Away na naman ulit 'yon kung hindi dumating si Ma'am.
Nag-discuss agad si Ma'am kaya natuon na sa kanya ang pansin namin. Pagkatapos niyang mag-discuss ay syempre ito na naman siya sa paghahanap ng willing pumunta sa kabilang classroom. Hindi na yata matitigil 'to pero inaamin kong dahil dito ay nakilala ko si Quiah kaya nagpapasalamat ako kay Ma'am. Hurhur.
"Ma'am, si Jeah po!" sigaw ng pinsan ko.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinigaw niya. Mahina ko siyang hinampas pero humagikgik lang siya. Bakit ako na naman? Hindi sa nagrereklamo ako pero kasi ano. Ano, iba na kasi ngayon. May boyfriend na ako doon at nakakakaba 'yon.
"Okay, then, Miss Acosta follow me," ma-awtoridad na ani ni Ma'am at tumalikod palabas.
Wala akong nagawa kundi tumayo at sumunod na lang rin kay Ma'am. Nilingon ko pa ang pinsan ko at inirapan sa inis ko. Bruha kasi 'yon! Give chance to others dapat, e. This is my second time at kumpara sa nauna mas kinakabahan ako ngayon.
"Miss Acosta, alam kong magkaaway kayo ni Mr.Gailez," paunang wika ni Ma'am na nagpagulat sa 'kin pero hindi na ako kumontra bilang pag respeto at pinatapos siya. "But I hope na hindi na mauulit 'yong sagutan niyo last time, okay? He's is nice and and I know you are, too. Sana magkasundo kayo sa lalong madaling panahon."
Npatango-tango ako sa sinabi ni Ma'am. I can see her concern for the both of us. Kung siguro hindi pa kami ni Quiah ngayon at magkaaaway pa rin kami tapos sinabi niya 'to sa akin, siguro makikipagbati ako kay Quiah. Pero buti na lang at nagkaayos kami, bonus pa na naging kami.
"M-Ma'am, ano kasi..." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa hiya.
Nahihiya akong aminin na kami na ni Quiah kasi kailan lang no'ng nag-away kami tapos ngayon kami. Baka sabihin niya na nagmamadali kami masyado o ang landi-landi ko.
"Yes? What are you trying to say?"
Bumuntong hining ako at ngumiti ng bahagya bago umamin. "B-Boyfriend ko na po si Quiah, Ma'am.."
I saw how her mouth formed into O dahil sa gulat. Yumuko ako sa hiya. Sa lahat-lahat ba naman kasi ng pagsasabihan ko, teacher pa namin. Naghintay ako bago siya maka recover sa gulat dahil mukhang hindi inasahan 'yong sinabi ko na balita.
"T-That's good to know," awkward na tawa niya.
"Ah, hehe," mas awkward rin na tawa ko.
Hindi ko alam anong gagawin at sasabihin. Tumilhim siya at biglang nawala ang pagkabigla sa mukha niya.
"I'm sorry I was just shocked. Anyway, good to know that you are in a relationship with him now para wala ng away at sagutan na mangyari sa klase ko."
Tumango na lang ako at binigyan ulit si Ma'am ng awkward na ngiti. Pagdating namin sa classroom nila ay gaya no'ng una ay nakatingin lang ako sa sahig habang sumusunod kay Ma'am. Bakit kasi mas kinakabahan ako ngayon? Wala namangbago, a? Maliban sa may boyfriend na ako dito.
Natahimik ang maingay nilang classroom pagdating namin. Ramdam ko talaga na may nakatingin sa 'kin. Ano ba 'yan! Hihimatayin na ata ako sa kaba rito. Nanginginig ang tuhod ko at nagiging water bender na ang kamay ko. Naiihi rin ako sa kaba sa hindi ki malamang kadahilanan.
Kakayanin ko ba 'to?
"Kilala niyo na si Miss----"
Hindi natapos ang sinasabi ni Ma'am nang may pumutol sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...