Buong araw akong hindi pinansin ni Quiah dahil sa ayaw ko siyang payakapin. Nakaalis na sila ni Daddy tapos nakauwi na lang, hindi siya tumawa o nag text no'ng umalis sila.
Ewan ko pero feeling ko, immature pa rin namin mag-isip. Lagi na lang kaming ganito, away bati. Tampo bati. Ikakasal na kami pero heto at umaakto pa rin kaming mga isip bata. Hindi na bagay sa amin pero ginagawa pa rin namin.
That's why I realized to stop this and talk to him. Hindi pwedeng ganito kami lagi. Hinintay ko siya sa kama habang naliligo siya. Kanina pa siya dumating pero kakaligo lang at saka hindi rin ako pinapansin.
Nagalit kasi hindi ko pinayakap at saka inulit-ulit ko raw ang word na dugyot e nagbibiro lang naman daw siya. Paglabas niya ng banyo ay kumuha siya ng damit at nagbihis kaagad. Masiyadong nagmamadali ang galaw niya na akala mo'y may lakad. Nang lingunin ko ang damit niya na binibihis ay pang gala nga.
Kumunot ang noo ko. "Saan punta mo?" takang tanong ko.
Bahagya lang siyang tumigil sa pagdadamit at sumulyap sa akin. Naghintay ako ng sagot pero walang dumating.
"Nagtatanong ako, oy. Hindi ako hangin," inis na ani ko.
"Kina Jeiro ako pupunta. Bakit ba?" asik niya.
"Gabi na, ah." Kunot noong saad ko. "Yes, I know. I can see it."
Tagos hanggang buto ko ang coldness niya. The way he talk and move. Gusto ko rin sana magtampo at mag-rant kasi siya naman nauna. Sinabihan niya akong dugyot pero kapag ginawa ko 'yon, walang mangyayari sa amin.
Kung pareho kaming mabilis mapikon at magalit sa isa't-isa, hindi kami magtatagal. Ikakasal pa naman na kami tapos ganito.
"Anong meron kina Jeiro? Bakit pupunta ka?" Pinipilit kong pahabain ang usapan kahit alam ko namang wala talaga siyang gana makipag-usap sa 'kin ngayon.
"Wala. We'll just hang out." Tumango ako.
Gusto ko siyang pigilan kasi gabi na pero ayoko namang kunin ang oras niya para sa kaibigan niya. Ikakasal na kami which means medyo mawawalan na siya ng oras kina Jeiro.
"Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Kagat labing tanong ko.
"About what?" tanong niya habang naglalagay ng pabango.
Ang gwapo na niya. Ang bango pa. Iba talaga.
"Tungkol sa nangyari kaninang umaga. Ikaw naman kasi nauna talaga pe—"
"It's okay. I am sorry for saying that to you. Now, I should go. Jeiro's waiting for me."
"Pero hindi pa tayo tapos mag—" Natigil ako sa pagsasalita ng hindi niya ako binigyan ng pansin at dumiretso palabas ng kwarto.
Naiwan ako sa kama na nakatanga dahil sa inasta niya. Nakakatakot siya magalit at mapikon. Hindi namamansin. Nakakaumay na rin ang ganito. Lagi na kang kaming ganito. Wala na kaning ginawang tama sa relasyon namin.
"And oh by the way." Nabuhayan ako ng loob makitang pumasok ulit siya sa kwarto.
"Bakit?" Ngiting-ngiti na tanong ko. Akala ko kasi hindi na siya tutuloy.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...