Uwian na at halos di ako lumabas ng classroom buong araw kasi lahat ata ng nakakakita sakin akala nagpa retoke ako may iba namang bumait na sa 'kin at alam kong plastik lang kaya hindi na lang ako lumalabas. Si Jeiro naman ay si Jehanee panrin ang nagtuturo dahil ayon at tumawag ang kaibigan niya sa 'kin at hindi na makapghintay na masundo ako.
Pinapakilig ata ako ng bruho. Hindi ko na ata alam kung ano ang maratamdaman ko sa lalaking 'yon. Ang sweet kasi masyado. Habang nakikita ko namang panay away lang ang nangyayari sa pinsan ko at kay Jeiro. Hindi nagkakasundo pero ewan ko ba nawalan ako ng pake sa lahat kapag si Quiah ang kausap ko. Chos! Lumalandi na ba ako?
Nasa labas na si Quiah pagkalabas ko. Prenteng nakasandal sa kotse niya at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Naka shades pa ang bruho at nakangiting nakatingin sa 'kin. Kinikig tuloy ako bigla. Paano ba namang hindi e diretso talaga sa 'kin ang paningin niya. Na parang ako kang ang nakikita niya. Habang ang mga babae namang lumalabas din ay nakatingin sa kaniya at mukhang patulo na ang laway. Gano'n siya ka gwapo, Sis. Tsk! Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya, e. Effortless kung magpa gwapo.
Lumapit ako sa kanya kaya mas lalong lumaki ang ngiti niya. Tumayo na siya at kinuha ang bag ko. Wew! Gentle man. Sobrang layo sa unang pagkikita namin. Wala pa siyang respeto sa akin no'n.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kaniya.
"Hm . 1 hour? Excited kasi akong makita ka." Tawa niya.
"1 hour is too long. Baka mapaano ka, Quiah! Nag-iisip ka ba? Kakalabas mo lang sa hospit-----"
"Shh. I know and I'm sorry. Di na mauulit." Ngiti niya sa 'kin.
Inismiran ko siya pero tinawanan niya lang ako. Tuwang-tuwa pa ata.
"Siguraduhin mo lang kung hindi bibigwasan kita," banta ko.
Tumawa lang siya at hinila ang braso ko kaya napalapit ako sa kaniya at napunta ako sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Dahil ba 'yan sa 'kin? Ayoko umasa pero sana. At ramdam na ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko.
Mas hinila niya ako kaya napadikit talaga ako sa kanya. Niyakap niya ako na nagpatigil sa lahat ng dugo ko sa katawan. Nakayuko siya kasi matangkad siya sa 'kin. Lumingon-lingon ako at nasa sa amin ang mga mata ng dumadaan. Alam kong gusto niya ako pero sana naman 'wag ganito na vulgaran . Nakakahiya lalo na't maraming may gusto sa kaniya sa school na 'to at maraming may ayaw sa 'kin. Ahay! Nahagip din ng mata ko si Jeiro at Jehanee na nakatingin sa 'min. Si Jehanee nakangisi, si Jeiro ay iiling-iling.
"I miss you, hon."
Gusto kong sabihing na miss ko rin siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi kami gano'n ka-close para magsabi ako sa kaniya ng tunay kong nararamdaman.
"Ah, hehe. Ang daming taong nakatingin Quiah baka anong masabi." Bulong ko na lang sa kaniya.
Tumawa siya at kumalas na sa yakap. Bahagya siyang lumayo para makita ang mukha ko. Nakahinga ako ng maluwag ng malayo ang katawan ko sa kaniya. Feeling ko kasi lahat nakatingin sa amin kahit 'yong iba lang naman, kadalasan babae pa. At saka sumasakit na ang puso ko sa lakas ng tibok kapag nagpatuloy na malapit ako sa kaniya. As in gano'n kalapit.
"Let's go?" aya niya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya mabilis akong sumakay, iwas sa mga tao. Mabilis din siyang sumakay sa drivers seat at pinaandar ang sasakyan.
"Would you mind if i'll bring you to our house later? I mean after mo magbihis."
"Ha? Bakit?" takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...