Hindi ko siya pinapansin habang nasa byahi kami pauwi. Ayoko siya pansinin habang siya panay ang sulyap sa 'kin. Alam kong gustong-gusto na niyang magsalita pero dahil sa paminsan-minsang irap ko sa kaniya ay tanging pagbukas at pagtikom lang ang bibig niya ang nagagawa niya.
Pagdating sa bahay ay mabilis sana akong lalabas ng pagbukas ko ay ayaw bumukas. Sinubukan ko ulit pero gano'n pa rin. Dahan-dahan kong nilingon si Quiah.
"Walang lalabas hangga't hindi tayo nagkakayos."
Ano? Hay nako, Quiah.
"Oh, edi wala," mabilis na saad ko at sumandal na lang sa upuan ko.
Gusto kong mag reklamo pero ano namang silbi? Alam kong hindi niya talaga 'to bubuksan kahit anong gawin ko. Matalino talaga siya at makulit din.
Kahit anong gawin ko, ipipilit at ipipilit niya na rito lang kami hanggang sa magkaayos kami. Wala akong laban sa kaniya.
"Hon, mag-usap naman tayo ng maayos, oh? Ayokong galit ka sa 'kin.
Hindi ako umimik at tumingin na lang sa harapan. Ayoko siyang pansinin. He should know the feeling of being neglected. Dapat maramdaman niya ang naramdaman ko no'ng hindi niya ako pinansin.
"Hon, kausapin mo naman ako."
Nang umusog siya palapit sa 'kin ay hindi ako umalma at hindi rin ako nagsalita. Gusto kong umusog pero saan? Pinto na ang katabi ko, lock pa.
"Hon, please? I'm sorry for raising my voice on you. I was just jealous of Jeiro."
Alam ko.
Alam na alam ko pero hindi 'yon sapat na rason para sigawan niya ako. I already explained my side but he still neglected me kaya mag dusa siya ngayon. I don't wanna take revenge but I still think he deserved this.
"Hon?" pangungulit niya. "Hon, galit ka?"
Mabilis akong napatingin sa kanya sa tanong niya pero natigilan ako ng labi niya ang sumalubong sa 'kin. Dahil sa gulat ay nasampal ko siya na nagpalayo sa mukha niya sa 'kin.
Nanlaki ang mata ko kasabay ng paghaplos niya sa pisngi niya. Mukhang nagulat din siya sa ginawa ko kasi bahagya ring nanlaki ang mata niya.
Mabilis na kinain ng guilt ang pagkatao ko kaya lumapit ako sa kanya at tiningnan ang pisngi niyang nasampal ko.
Bahagya siyang pumula, mabuti na lang at hinayaan niya akong haplusin ang pisngi niya. Kasi kung hindi labis talaga akong mag-aalala.
"Sorry," mahinang usal ko, sobrang guilty na.
Oo nga at galit ako sa kaniya but wala sa plano ko ang saktan ng pisikal. Walang-wala. Ayoko ngang saktan siya kahit kaunti, e. Ngayon ko lang naman ginustong bumawi sa pagsigaw niya pero hindi ganito na sasampalin siya.
"Gano'n ka kagalit sa 'kin?" parang gulat pa rin na tanong niya.
Mabilis akong umiling. "No, sorry. Nagulat lang talaga ako. I wasn't expecting that to happen. Nasampal tuloy kita." Nguso ko.
"No, it's okay. I'm fine."
"Sorry talaga." Sobrang guilty ko na. Pumula kasi talaga ang pisngi niya. Nakakaguilty talaga.
Ngumiti siya at hinawakan ang dalawang kamay para matigil sa paghaplos sa pisngi niya.
"I'm okay, hon. Don't worry too much." Ngiti niya pero hindi pa rin nawala ang guilt na nararamdaman ko.
Kahit nakahawak siya sa kamay ko ay nagawa ko pa rin siyang halikan ng mabilis sa pisngi kung saan ko siya sinampal. Bakit kasi napaka sama ng kamay ko at nasampal siya dahil lang sa gulat? Ang gaan ng kamay ko para makasampal agad.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...