Mahaba -habang usapan bago ko napauwi si Quiah sa bahay, pero kasama ako. Ayaw umuwi hangga't 'di ako kasama kaya 'yan tuloy at for the first time in the history of my life ay naka absent ako pero kahit naman siguro pumasok ako nandito pa rin kay Quiah ang isip ko.
Agad siyang umupo sa sofa pagkarating namin. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ng galit niya ang pagd-drive. Casual lang siya nag drive 'yon nga lang, walang imikan. Galit pa yata talaga siya sa nangyari. Umupo ako sa katapat niyang sofa at hindi sa tabi niya.
"Bakit diyan ka umupo?" puna niya agad.
"Ha?" taka kunwareng tanong ko, nagpapaka inosente kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
"Dito ka sa tabi ko." Nguso niya.
Natawa ako pero tumayo rin naman agad at umupo sa tabi niya. Takot ko lang kapag nadagdagan ang galit niya. Pagkaupo ko ay mabilis niya akong hinila at pinahilig sa dibdib niya. Napangiti ako ng maaalala na ganito rin kami kagabi. Gustong-gusto niya ang ganitong position namin. At gusto ko rin naman, I feel secured and safe.
"Are you mad at me?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Nope." Iling ko. "More on takot." Tawa ko.
Naramdaman at narinig ko siyang bumuntong hininga. Dismayado sa naging sagot ko.
"Why are you scared? As if I am going to hurt you." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya nang sabihin 'yon.
"Nakakatakot ka kasi magalit." I reasoned out. "Ibang-iba sa malambing na Quiah. Parang kaya mo talagang pumatay tapos walang makakapigil sa 'yo. 'Yong mukha mo at 'yong paano ka tumitig ay parang kakainin mo 'yong kaaway mo ng buhay. It scares me, Quiah. I don't wanna see you like that again."
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos umamin sa kaniya ng totoong nararamdamam ko sa nangyari. Natahimik siya sandali, iniisip yata ang sinabi ko.
"S-So..." utal na paunang sabi niya.
So pa lang 'yon pero alam ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Na guilty ako bigla pero hindi ako pwedeng magsinungaling sa kaniya. Mabuti na 'yong masaktan siya sa totoo kay sa maging masaya sa hindi totoo.
"Quiah, I'm so---"
"So, takot ka sa 'kin? I-Iiwan mo na ako dahil do'n?"
Natigilan ako sa diretsahang tanong niya. Ramdam ko ang hirap niya na itanong 'yon pero naitanong niya pa rin.
"Quiah, I didn---"
Hindi niya ulit ako pinatapos sa sinasabi ko dahil nagsalita na naman siya.
"Hon, sorry hindi ko na uulitin. Nagalit lang naman ako dahil hinalikan ka niya sa pisngi, e. Ako nga na boyfriend mo hindi ka pa nahahalikan sa pisngi pero siya na ni hindi mo nga kilala, hahalikan ka? Kaya nagalit talaga ako pero 'di na ako aaktong gano'n. Sorry na. Sorry. 'Wag mo 'kong iiwan, please? 'Di ko na uulitin." Hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin.
Sa mga salitang binitawan niya hindi ko mapigilang masaktan. Masaktan para sa sarili ko. Sa tanang buhay ko hindi ako nakaramdam ng ganito kahalaga at kamahal sa isang tao. Kahit noong sa mga magulang ko, hindi. They're giving me what I need buy not what I want. Ngayon ko lang naramdaman sobrang importante ako sa isang tao.
Nasaktan ako at the same I am so happy. I am so happy that I found him. I finally found someone who is scared to lose me. Someone who'll beg para 'di ko siya iwan. Ni minsan sa buong buhay ko, never kong naisip na may isang lalaking magmamaakawa sa 'kin para 'di ko iwan kasi sino ba naman ako?
Pinunasan ko ang luha ko na nalaglag na pala sa pisngi ko bago siya hinarap. Mukhang nagulat siya nang makita ang mukha ko. Mabilis niyang itinaas ang kamay niya at pinahid ang luha ko. Hindi ko na iniwas ang mukha ko.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya pagkatapos punasan ang luha sa pisngi ko.
"Are you that scared of me na umiiyak ka ngayon?"
Hindi ko siya sinagot. Wala akong ginawa kundi titigan ang mukha niya. Noong una ko siyang makita hindi ko inakalang ganito siya magmahal. Na ganito pala siya magpahalaga ng babae. I am just so blessed that I was the one who found him first before anyone could. Dahan-dahan akong ngumiti sa kaniya.
"I...I won't leave you."
Agad na umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko at mabilis akong niyakap. Mahigpit na mahigpit na yakap na halos masakal na ako pero wala akong pakialam.
"Talaga? Thanked God! Akala ko iiwan mo na ako. Pinakaba mo naman ako sa tagal mong sumagot."
Natawa ako sa ka cute-an niya. Ang lalaking 'to ang nagpapaiyak sa 'kin sa saya. At sana 'wag dumating ang araw na papaiyakin niya ako dahil sa lungkot at sakit. Sana dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag sinaktan niya ako.
Pagkatapos naming mag asaran sa sofa ay sa kwarto ang bagsak namin. Tulog. Nauna nga lang akong nagising kaya nakapag linis na ako ng bahay. Kahit anong laki ng bahay bahay ay natapos ko pero ang mahal na hari ay hindi pa rin gising. Tulog mantika si Sir niyo.
Naligo na lang ako at nagbihis ng shorts at spaghetti. Tinutuyo ko ang buhok ko ng umakyat ako sa kama at tinitigan ang tulog na mukha ni Quiah. Lampas lunch na pero hindi pa rin talaga siya nagigising. Itinigil ko muna ang pagtutuyo sa buhok ko at tinapik ang pisngi niya.
"Quiah?" Tapik ko.
Gumalaw siya agad at dahan-dahang minulat ang mata. Hindi naman pala siya tulog mantika, ano lang, mahilig matulog.
"Hon?" mukhang inaantok pa na tanong niya.
"Gising na. Past lunch na at kailangan mong kumain," mahinang ani ko.
Mula sa pagkakatigilid ay tumihaya siya at hinila ang braso kaya napunta ako sa ibabaw niya. Nanlaki ang mata ko pero hindi ako gumalaw baka masaktan siya kasi mabigat ako. Pero heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Lagi na lang talaga niyang pinapakabog ng mabilis ang dibdib ko.
"H-Hoy, ano ba. Baka masaktan ka. Mabigat kaya ako," nagpipigil na gumalaw na saway ko sa kaniya
"Aw. She's too worried of me." Tawa niya.
"Tigilan mo nga ako, Quiah."
Hinila niya ang batok ko at itinigil lang ng isang hibla na lang ang layo ng mukha namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi ko na yata kakayanin.
Sa lapit namin ngayon ay hindi ako naniniwang hindi niya naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko. Lumalakas lang talaga 'to kapag siya ang kasama ko at may ginawa siyang kung ano-anong bagay na ikinababaliw ng puso ko katulad nito.
Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Natigilan ako at napangiti. Sweet small getsures again. Hay, Quiah. Kapag lagi kang ganito ewan ko na lang sa puso ko.
"Tatayo na ako, Quiah." Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang likod ng mahigpit.
"You're blushing." Tawa niya.
Mabilis kong iniwas ang mukha ko. Hindi ko man lang naisip na namumula na pala ako. Ano ba 'yan. Rinig ko ang halakhak niya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin sa kabila ng pagkakahiya.
"Cutie." Ngisi pa niya.
"Tsk. Tigilan mo 'ko, Qu----"
"I want to spend my whole life with you, Jeah."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. At heto na naman ang mabilis na kabog ng dibdib ko.
"Every second of my life, I want to spend it with you. I want to be happy in your arms. I want to cry in your shoulders. I want to live my life to the fullest..." Hinalikan niya ulit ako sa noo at ngumiti. "With you."
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...