Kabanata 24

446 15 0
                                    


Ibang-iba na si Quiah pagkatapos ng usapang naming 'yon. Lagi na niyang pinapakita sa 'kin na ako lang ang babae sa buhay niya. Siguro para hindi na ako mangamba na iiwan niya ako.

But these past few days may nahahalata na rin ako sa kanya. Kapag hindi siya absent na hindi sinasabi sa 'kin ang dahilan, magcu-cutting naman siya.

"Couzie, asaan na naman 'yong Quiah mo? Wala na naman?" biglang tanong ni Jehanee sa 'kin habang kumakain kami ng lunch.

"Kaya nga, Sharine. I don't see him often with you these past few days," puna rin ni Jeiro.

Tumigil muna ako sa pagkain at uminom naman ng tubig.

"Hindi ko rin alam. Hindi nagsasabi, e," ani ko pagkatapos uminom.

"Lagi siyang wala sa klase tapos hindi nagsasabi sa 'yo? Wala ba sa parents niya? Baka umuuwi lang 'yon roon." Si Jehanee.

Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi umuuwi si Quiah sa kanila kasi kung umuuwi 'yon roon sinabi na sa 'kin ng parents niya.

"Quiah won't cut classes para lang umuwi," kontra naman agad ni Jeiro.

Alam ko na kung saan 'to papunta.

Nang binalingan ni Jehanee ng masamang tingin si Jeiro at nakumpirma ko ngamg matitigil kami sa oag-uusao ng seryoso dahil magbabangayan na naman sila.

"Umuwi 'yon, pangit. Sure ako kasi kung hindi 'yon umuwi, saan naman 'yon pupunta, 'di ba? E, hindi nga 'yon mahiwalay sa pinsan ko, e. Pangit mo," singhal naman ni Jehanee.

Sumama naman ang mukha ni Jeiro.

"Unang-una, mas pangit ka. Pangalawa, hindi nga 'yon umuwi kasi and I should know kasi bestfriend ako!"

"Oh, e, ano naman kung bestfriend ka? Pinsan ako ng girlfriend!"

"And?" kunot noong tanong ni Jeiro.

Umiwas ng tingin si Jehanee at inirapan ng palihim si Jeiro.

"Wala lang. Basta pinsan ako ng bestfriend kaya alam kong umuuwi siya kada cutting niya. Tapos ang usapan."

Naiirita na ako sa kanilang dalawa kaya tumayo na ako at niligpit ang gamit ko na nasa table. Nabaling naman agad sa 'kin ang atensiyon nila.

"Oh, couzie, saan ka pupunta?"

"Aalis. Sige magbangayan pa kayo," sagot ko at tumalikod na para umalis.

Bumalik na lang ako sa classroom namin at doon nag-antay na dumating ang next teacher. Gia isn't around. I don't know where. Wala rin akong pakialam. Mas mabuti na rin 'yon at walang nanggagambala sa 'kin.


"Nasaan ka?" tanong ko Quiah nang sagutin niya ang tawag ko.

Mabuti at sinundo ako. Well, wala namang rason para hindi. Hindi pumasok, e.

"Carpark, hon."

"Okay," tanging sagot ko at pinatay ang tawag.

Naglakad na ako papunta sa parking lot at pagkarating ko roon ay nakita ko agad siya. Nakangiting nakasandal sa kotse niya.

"Hi, hon," bati niya agad nang makita ako.

"Hi." Ngiti ko sa kaniya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay agad ako. Gano'n din naman siya. Gusto ko siyang tanungin kung saan siya nagsusuot nitong mga nakaraang araw at bakit lagi siyang absent o cutting classes but I chose not to. Sasabihin naman niya siguro 'yan sa 'kin.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon