Kabanata 48

359 11 0
                                    


Masyadong mabilis ang panahon at klase na naman. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam ko. May tagalaga ba naman akong tatlong puro baliw 'di ba?

Si Jeiro laging parang may sapi. Si Jehanee laging tulala. Si Quiah naman ayaw umalis sa tabi ko at panay lambing nang yakap.

Well, the two boys are okay for me though kahit mukha silang ano. Mas mabuti na nga 'yon kesa sa mag-away sila. Si Jehanee na lang ang pinoproblema ko.

She's always thinking deeply. Lagi siyang tulala at kapag tinatanong ko siya, ayaw naman niyang sumagot.

I am worried about her. Gusto ko sanang kausapin si Jeiro pero baka hindi rin siya magsabi nang totoo. At saka private ang bagay na 'yon na nagawa nila ni Jehanee.

Matatapos na ang klase namin ngayong araw pero si Jehanee kanina pang umaga walang imik. Natatakot na nga ako at baka may nangyari sa kaniya.

"Hoy!" tawag ko sa kaniya dahil wala pa naman ang last teacher namin para ngayong araw.

Hindi siya gumalaw at nakatulala lang sa pinto.

"Hoy!" mas malakas na tawag ko sa kaniya na may kasama nang palo sa braso.

"H-Ha?"

Ngumiwi ako nang makitang gulat na gulat siya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" takang tanong ko.

Alam ko namang hindi tamang oras na magtanong akong ngayon pero nag-aalala na kasi talaga ako. Buti na lang may iniutos pa si Ma'am kay Quiah kaya wala pa siya rito.

"W-Wala 'to." Ngiti niya.

Hindi ako nagpadala sa magandang ngiti niya at inilapit ko ang upuan ko sa kaniya para pwede kaming magbulungan.

"Ano ngang nangyari? Lagi ko na lang napapansin na lagi kang tulala. May problema ka ba--"

"Gusto ko nang pinya, Couzie."

Natigilan ako sa pagsasalita at umawang ang bibig ko

"A-Ano?" gulat na tanong ko.

Ngumuso siya at pumangalumbaba sa arm chair niya.

"I want pineapple. No'ng isang araw pa ako no'n humihingi kay Jeiro pero hindi niya maibigay. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon."

Nakaawang lang ang labi kong nakatitig sa nakanguso niyabg mukha. Tell me, I'm wrong. Paano?

"J-Jehanee, buntis ka ba?" kinakabahang bulong na tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at tiningnan ako nang masama.

"Sinong may sabi? Hindi ako buntis, loka ka ba?"

Kumunot rin ang noo ko pero nawala na ang kaba ko.

"E kasi, lagi kang tulala tapos ngayon humihingi ka nang pinya," sagot ko naman.

Inirapan ako ni Jehanee at tumingin sa pintuan.

"Kailan kaya ako makakakain nang pinya, Couzie? Gusto ko no'n, e. Gusto kong kumain nang mata nang pinya. I'm craving for one." Nguso niya ulit

Hindi ko talaga maintindihan ang pinsan kong 'to. Hindi naman pala buntis pero kung makahingi akala mo naglilihi.

"Oh tapos? Ako ba jowa mo? Si Jeiro hingan mo," ani ko at inayos ang upuan ko para bumalik sa pwesto ko.

Tinalikuran ko siya at tumingin na lang sa harap. Naroon si Gia nakikipag-usap sa iba niyang mga kaibigan.

"Couzie, pinya...." ungot niya.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon