Kabanata 71

631 13 8
                                    


Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso ako papasok sa kwarto ni Quiah ngunit natigilan rin ako ng makitang wala siya roon.

"Miss, nasa rooftop po ang pasyente rito. Sumunod na lang raw po kayo roon."

Nilingon ko ang nurse sa likod ko pero nakaalis na siya. Mabilis pa sa kidlat akong tumakbo papunta sa elevator at pumunta sa roof top.

Puno ng kaba ang puso ko habang lulan ako ng elevator papaakyat. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Gosh! Why am I so emotional these past few days?

Pagkatigil ng elevator ay may lalakarin pa ako ng kaunti bago tuluyang makarating sa mismong rooftop. Nanginginig ang paa na naglakad ako papunta roon.

Malayo pa lang ay nakita ko na si Quiah sa gitna na nakasakay sa wheelchair. Nabiyak kaagad ang puso ko. Hindi ko talaga kayang nakitang nasa ganiyan siyang kalagayan.

Napalingon ako sa gilid at naroon ang parents ni Quiah. Sa tabi ni Quiah ay naroon si Jeiro.

"M-Mommy, D-Daddy..." tawag ko sa mga magulang niya.

Napalingon silang lahat sa 'kin. Agad na bumuhos ang mga luha ng Mommy ni Quiah ng makita ako. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit habang humihikbi.

"I-I c-can n-not..." bulong niya.

"Mommy, malapit na mag sunset, kailangan maabutan namin 'yon ni Jeah. Huwag ka muna umepal, please..."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Quiah. Kinuha ng Daddy ni Quiah ang asawa nito at inilayo sa 'kin. Naglakad na ako palapit kay Quiah. Nanginginig ang dalawang paa ko.

Tumayo si Jeiro sa tabi ni Quiah pagkarating ko sa tabi ni Quiah. Ibinigay niya sa 'kin ang upuan niya pero bago niya ako pinaupo ay niyakap muna ako ni Jeiro ng mahigpit.

"I-Ikaw n-na l-lang..." bulong rin ni Jeiro at kumalas agad bago patakbong lumayo.

Malayo sila sa 'min. Sa laki ng roof top aynasa gitna talaga kaming dalawa ni Quiah. Agad akong umupo sa tabi ni Quiah at pumulupot ang mga braso niya sa braso ko.

Sa layo namin ay rinig na rinig ko ang malakas na hagulgol ng Ina ni Quiah. Nawawasak ako sa tuwing naririnig ko 'yon.

"W-Why a-are w-we here, Q-Quiah?"

Pilit kong pinapatatag ang boses ko. Ngumisi si Quiah sa 'kin at ihiniga ang ulo sa balikat ko.

"I g-guess t-this....i-is i-it, h-hon...."

Ayoko mang aminin pero ang boses ni Quiah ay unti-unting humihina. Wala na ring lakas ang mga kamay niyang nakayakap sa braso ko. Naluluha rin siya na nagpadagdag sa bigat ng nararamdaman ko.

"W-What d-do you m-mean?" nahihirapang tanong ko.

Pinahid ko ang luha ko. Kinukubli ang sakit pero paano ko maikukubli 'yon kung pati ang iyak ni Jeiro ay rinig na rinig ko.

"K-Kapag namatay ako, hon, w-would you be m-mad at me f-for leaving y-you?"

Natigil ako sa paghinga sa tanong niya. No. This isn't what I expected no'ng papunta ako rito. Umiling ako kahit umaagos na naman ng malakas ang luha ko.

"S-Stop a-asking me that question, Q-Quiah... W-Walang m-mamamatay. W-Wala!" singhal ko sa kaniya.

Hindi siya umimik. Ang nga kamay niya ay unti-unti nang gumagapang papunta sa mga daliri ko at nang makuha na niya talaga ay pinagsiklop niya ito.

Nakahiga ang ulo niya sa balikat ko kaya ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko, tanda na umiiyak siya. Naalog rin ang balikat ko na sinasandalan niya.

Hindi man siya magsalita ay kuhang-kuha ko na ang ibig sabihin nito at hindi ko 'yon kailanman tatanggapin. Hinding-hindi.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon