Chapter 29: Kiss

3.6K 68 0
                                    

Two hearts under the same roof'
DeadWeakHeart

Chapter 29: Kiss

- Shaine

"Bumaba ka na! Nandito na tayo!" Badtrip na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nabadtrip kanin. Siguro sinusumpong na naman ng kasungitan niya!

Hay. Kahit kailan talaga 'tong si Harry!

"Sabi ko bumaba ka na!" Sigaw niya.

"I-ito na nga! Bababa na!" Sagot ko na lang at bumaba na sa bigbike.

Hay! Hindi ko talaga maintindihan tong lalaking to! Bat bigla na lang sinumpong? Pero, infairness ah! Ang cute nga nung kambal. Si Daniel at Jaimee. Kahit na nagulat ako sa ginawa sakin ni Daniel.

Nang dahil sa nangyari kagabi, hindi ako nakatulog. First time ko kasi may nakatabing lalaki sa pagtulog e! Biling-baliktad lang ako, buti nga hindi niya nahalatang gising ako!

Hmmp! Pero teka! Saan na nagpunta si Harry?? Hindi pa ba kami aalis??

"Lola, nasaan po si Harry??"

"Oh? gising ka na pala, Shaine?" Nakangiting bati ni Lola. "Si Harry ba? Nasa Likod ng bahay yata kasama si Jaimee.." Jaimee? Teka! Pangalan yun ng babae ah?? Hmmp.

"Ah. Ganon po ba?"

"Uhm. Shaine, wag ka sanang magagalit ah, pero ayos na ba kayo ng apo ko?" Nag-uusisang tanong ni Lola, habang ako napaisip.

Ayos na nga ba kami ni Harry??

"U-uhm. Opo. Napag-isipan ko pong naging over lang ako kahapon. Gusto ko nga rin pong magsorry sa kanya." Magalang na sagot ko sa matanda.

"Buti naman kung ganon. Sige, puntahan mo na siya."

"Sige po." Sagot ko at naglakad na papuntang likod bahay.

Nang makarating ako sa likod bahay, nagtaka na lang ako kung bakit parang walang tao. Hinahanap ko si Harry pero hindi ko siya makita.

Hanggang sa may narinig akong nag-uusap.

"Jaimee, diinan mo!" Nagulat na lang ako nang narinig ko ang boses ni Harry---Sinong kausap niya?!

"Eeehh!! Kuya harry! Ang sakit!" Nagulat na lang ako nang may biglang napa-indang babae. Dahil don, napatago tuloy ako.

"Pssh. Eh pano ka nyan---"

"Kuya, feeling ko dudugo na e! Wag mong diinan, masakit!! Aww!" Jusko!! Nasa likod yata sila ng punong yon! Teka! Anong ginagawa nila??

"Hay. Dito ka nga! Lumapit ka pa! Hawakan mong mabuti! Dahan-dahan pero dapat mariin." Inis na sabi niya at parang may ginagawang hindi maganda!

S-Shaine! Anong gagawin mo?!

"A-aray, kuya! Masakit nga! Dudugo na! A-aw!" Nasaktang sabi ng babae kaya napalunok na lang ako.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon