Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 56: Boyfriend
- Shaine
Nang makita kami ni Daddy, natulala lang siya habang nakanganga sa'min, ganon din kami.
JUSKO! Anong gagawin ko?! Tatakbo na ba 'ko?! Babatiin ko ba si Daddy ng 'Hello?!
"D-Daddy, m-mali po yung nakita niyo." Please maniwala ka kahit hindi kapanipaniwala ang alibi ko, Daddy! Please!
Matagal namang hindi nakapagsalita si Daddy. Kung ikaw ba naman nakita mo yung anak mong may kahalikan sa gitna ng amusement park, diba?! Tapos si HARRY pa!
"A-Anong ginagawa niyo rito, HARRY?" Tanong lang ni Daddy na tinitimbang pa kung ano dapat ang maging reaksyon niya.
"Namamasyal po." Sagot naman ni Harry na mukhang hindi kinakabahan.
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, napako kaming tatlo. Tahimik lang kami at magkatitigan hanggang sa dumating si Tita Hershy.
"Honey!" Masayang tawag ni Tita kay Daddy at may dalang ice cream.
Hindi yata kami napansin.
"Ito na yung ice cream na---" "Oh? Nandito pala kayo?? Uhm. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa Amusement Park, Anak?" Awkward na lang na bati ni Tita na walang kaalam alam. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Daddy.
Napalunok tuloy ako.
"Wow! I think this is perfect, Honey!" "What do you think if we go out for a dinner after this??" Clueless na rekomenda pa ni Tita pero napatitig lang sa'min ng masama si Daddy. Napahigpit tuloy ang hawak ko kay Harry. Argh! Daddy naman kasi! Ang galing niyo kasing tumayming! Bat 'yon pa yung naabutan niyo?
"I think we better go home... come with us, you two." Galit na deklara niya kaya wala na kaming nagawa kung hindi sumunod. Napatingin naman ako kay Harry at binigyan siya ng Paano-na-tayo-look. Kaya lang imbis na sumagot, binitawan lang niya ang kamay ko at naglakad ng parang walang pinoproblema.
Hanggang sa nakauwi kami ng bahay, nandito kaming lahat ngayon sa living room. Hindi naman makasabay si Tita sa mga nangyayari. Bigla kasi kaming pinaupo ni Daddy sa Sofa. Ilang minuto na kaming nakaupo, halos matulig na yung tenga ko sa sobrang katahimikan.
"U-Uhm. Honey?? May problema ba?" Pambabasag ni Tita sa katahimikan. Napatingin naman sa kanya ng masama si Daddy.
"Alam mo ba kung anong kalokohan ang ginawa ng anak mo?!" Galit at seryosong sabi ni Daddy kaya napakunot na lang ang noo ni Tita at napatingin kay Harry.
"Harry, anong kalokohan ang sinasabi ng Tito mo? Nakipag-away ka na naman ba?! O baka naman may ginagawa kang hindi maganda??!" Glare ni Tita sa kanya pero hindi naman siya sumagot.
"Harry! Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo, anak?! Sabihin mo! Ano yung kalokohang ginawa----" "Nagmamahal." Sagot lang niya kaya napatahimik si Tita. Namula naman ako.
Jusko! Oxygen please!! A-ano bang pinagsasabi ni Harry, ha?! N-nababaliw na ba siya?!
"A-Ano?! A-Anong sabi mo?" "Sabi ko po, Mom, nagmamahal ako!" "At alam niyo kung sino yung minamahal ko?! Si Shaine po!" Matigas na sabi niya a---at tinuro ako.
