Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 45: Lost
- Shaine
Nagulat na lang ako ng biglang napatayo si Harry. Grabe! Pang-ilang punta niya na yan sa CR!
"Hahaha! Patay talaga tayo!" - Harden
"Anong tayo?? Ikaw lang dude haha!" Sagot ni Jack kaya napayuko na lang si Harden at sumiksik kay Shiela. Haha!
"Haaay. Ilang beses nang nakakasakay si Harry, hindi pa rin ba siya sanay??" Nakapoker face na singit naman ni Jacob kaya napatingin ang lahat sa kanya. Kanina pa kasi siya tahimik at sa wakas ay nagsalita na rin!
"Oh?? Problema niyo??"
"Wala! Buti nakamove on ka na kay---A--Aw---Hahaha!" Magsasalita pa sana si Kent pero bigla yatang tinapakan ni Jacob yung paa niya. Haha!
- Jacob
Kahit kailan talaga panira ng araw si Kent! Kung kailan nakakaget over na yung tao, biglang eepal! Ito tuloy! Awkward. Natahimik lahat.
"Ehem. Tapos na?" Bati ni Rockz nang dumating si Harry. Si Harry naman parang walang narinig. Isa pa tong ulol! Ano kayang magiging reaksyon niya kung malaman niyang sa bundok kami pupunta?? Baka di niya na paabutin si Harden sa birthday niya ah?? Hahaha!
"Okay ka na??" Tanong ni Shaine pero inisnob lang siya ni Harry.
Pssh. Hindi ko alam kung gusto ba talaga niya si Shaine or what. Nakakagago! Kung snobin niya kasi parang di niya kilala. Pag-ako nainis dito baka---Teka?! Nakamove on na ko, diba?
"Uy. Matunaw yan." Bulong ni Kent at ngumisi sa'kin. Napansin yatang nakatingin ako kay Shaine. WTF?! Ulol talaga! Bat ba ito nakatabi ko, ha?!
"Eh kung tunawin ko kaya yang mukha mo??" Badtrip na sagot ko tinawanan lang ako ng ulol. HA HA HA! Anong nakakatawa?!
- Keith
Nang makarating kami sa Hokkaido, namalipit kami sa lamig. Negative celcius!
"Harry, Lumabas ka na!!" Aya ni Shaine pero kulang na lang ay isiksik niya ang sarili niya sa loob ng bus. Sobrang taas kami ng lugar namin, makikita mo yung paanan ng bundok. Takot pa naman sa Heights si Harry! Hahahaha!
"Sugod!!" Sigaw na lang ni Rockz kaya napasugod kaming apat (Ako,Kent,Jacob,Rockz). Binuhat namin si Harry palabas ng bus at inihagis sa snow. Hahaha!
"A-aray!! Mga Ulol!!" Sigaw ni Harry nang bumagsak siya. Hahaha!
"Dude, lahat ng Despiteous, matatapang! Dapat hindi ka natatakot sa maliit na---" "Talaga, ha?" Napangisi na lang si Harry at biglang may hinagis sa coat ni Kent.
Ipis!
"W-WAAAAH!! A-alisin nyo to!! P*TA, DUDE!! Tanggalin niyo tong ipis!! GOD! MAAA!!!!!" Sigaw ng ulol at parang gagong nagpagulong-gulong sa snow. HAHAHAHA!
Ulol kasi e! Sino ulit matapang?
"Harry, okay ka na??" Nag-aalalang tanong ni Shaine, namumutla naman ang ulol. Nawindang yata nang nakita kung gaano kami kataas ngayon. Hahaha!