Chapter 9: Galit ka ba?

4.6K 83 1
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 9: Galit ka ba?

- Shaine

"Ma'am, tinawag ko na po pero ayaw daw po niyang magdinner." Malungkot na sabi ni Manang na kababa lang para tawagin si Harry.

"Hay! Kahit kailan talaga napaka-pasaway ng batang 'yon." Inis na sabi ng bruhil---este Tita Hershy at napasigh.

"Don't worry, Honey. I'm sure naninibago pa si Harry kaya---" "No, Antony! Talagang pasaway lang si Harry." Inis na sabi ni Tita. Napatingin tuloy ako sa hagdan pataas ng second floor.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa masungit na yon. 

"Let's go. Hayaan na lang natin siya." Aya na ni Tita. Hindi ko naman alam pero hindi mawala sa isip ko si Harry.

"Uhm. Daddy!" Nahihiyang tawag ko.

"Hm?? Bakit, Baby girl?"

"Maiiwan na lang po pala ako." Nahihiyang sabi ko at ngumiti.

"Huh? Why??"

"Makipagdate na lang po kayo kay Tita. Hehe." Sabi ko kahit na AYAW ko. Kung papipiliin nga ako, baka mas piliin ko pang walang dinner na maganap e! Kaya lang nacu-curious lang talaga ko kung bakit hindi bumababa at hindi sasama ang Harry'ng 'yon!

"But it's a family dinner, Baby girl." "Yes. Don't mind, Harry. He's just stubborn sometimes and---" Magsasalita pa sana si Bruhi---Tita Hershy pero hindi ko na siya pinatapos.

"Tita, Daddy, 'yon nga po. Family. Wala yung isa nating member kaya wag na, para na rin mahaba-haba rin yung honeymoon niyo ni Tita. hehe." Sabi ko na lang at ngumiti ulit.

Argh! Magpakasaya ka na Bruhilda habang binibigyan kita ng time para makasama si Daddy! Pasalamat ka curious lang ako kung anong nangyayari sa masungit mong anak! Hmmp. Babawiin ko rin si Daddy sa'yo!

"Sige, Dad! Mauna na kayo! he he." Pasimpleng sabi ko at tinulak na ang dalawa palabas ng pintuan.

"Huh? Pero---" "Bye! Ingat!!" Sigaw ko at pinagsaraduhan na sila. Nilock ko pa ang pinto para di na talaga sila makabalik. Buti naman hindi na sila nangulit at mukhang umalis na. Dahil don, agad akong tumaas ng hagdan at nagpalit ng pambahay.

Napalunok na lang ako sa kaba nang nasa harap na ko ng pintuan ng room ng masungit na si Harry. Kinakabahan ako dahil mukhang galit siya kanina nung dumating kami.

Hindi ko naman alam kung bakit siya nagalit. Basta ang alam ko lang, hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman ang problema niya!

"Uhmm.. Harry?!" Tawag ko at kumatok ng ilang beses sa pintuan niya. Kaya lang lumipas ang ilang minuto, walang sumagot!

Tulog kaya?

Dahil don, kumatok ulit ako sa pintuan niya na nagbabakasakaling hindi siya tulog.

"Uhmm. Harry, pwede ka bang makausap??" Tawag ko pero wala pa ring sumagasot. Argh! Bakit ba ayaw niya akong sagutin?! Bat si Manang sinagot niya kanina?! Tapos ako hindi?!

Argh! Paano ko naman siyang makakausap kung sarado yung pintuan niya---Napangiti na lang ako nang bigla akong may naisip na bright idea.

Ang talino ko talaga kahit kailan! Hihi.

Agad akong pumasok sa kwato ko nang nakaisip ako nang bright idea. Pagkatapos ay lumabas ng balcony.

Napalunok na lang ako nang tiningnan ko ang balcony ng room ni Harry. Iniisip ko pa lang ang gagawin ko, kabang-kaba na ko.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon