Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 62: Sagot
- Shaine
Matapos ang kalabog na narinig namin ni Jei at nang sinabi niya ang pangalan nila Kent at Harden, hindi ko na mapigilang mataranta at gumawa ng paraan para makawala sa tali.
S-sino ba namang hindi matataranta kung ikaw lang yung hindi nakakaalam ng mga nangyayari sa baba, diba?!
Buti na lang nahulog ang phone ni Jei nang tumayo siya!
"Shaine??" Hindi ko alam pero halos maiyak ako sa takot nang banggitin niya ang pangalan ko. Parang gusto ko na tuloy siyang hitakin mula sa phone at yakapin siya ng mahigpit at sumigaw ng 'Time First!'
Kaya lang alam kong imposible. Kailangan kong maging matapang lalo na dahil narinig ko plano ni David. Siguradong hindi alam ni Jei dahil mukhang kalmado siya.
Ang totoo kasi may bomba raw dito. Nag-uusap sila tungkol sa bomba noong nasa van kami. Papasabugin niya 'yon sa oras na dumating sila Harry. Kaya dapat talagang tumakas na kami!
"Harry, 'wag na kayong pumunta! Please! Kaya ko ang sarili ko!" Babala ko habang tumatakbo sa daang hindi ko alam kung saan ang hantungan.
"Shaine, No! Don't do anything without us! I-ililigtas ka namin. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni David, Shaine! I---" "Harry. Wag na please! Wag ka nang pumunta rito! Tatakas na lang ako! Hindi niya 'ko mahuhuli!" Sagot ko na lang.
"Shaine! Please!! Makinig ka sa'kin! Sa oras na may mangyari sayong masama, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Sundin mo na lang ako, okay?! Hintayin mo kami!" Sigaw niya pero ayokong may mapahamak pa nang dahil lang sa'kin.
"Harry, hindi! Pare-pareho lang tayong mapapahamak dito! Kaya kung pwede lang, hintayin mo na lang a-ako sa bahay!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang tumatakbo. Hindi ko na alam kung saan papunta ang hagdang binababaan ko pero bahala na!
Sa pagkakaalam ko, nasa isang abandonadong building ako dinala ng baliw na yon. Nakita ko rin kanina sa bintana na walang katao-tao. May bundok at may construction site sa medyo taas ng bundok, sa baba non, may ilog.
"Shaine, hindi! Papunta na kami! Ililigtas kita kahit anong mangyari, okay?! Hintayin mo ko!" Pagpupumilit niya.
Hanggang sa napahinto na lang ako nang may tao na sa h-harapan ko.
"Oh? Shaine? Anong ginagawa mo dito?" Halos tumigil ang puso at unti-unting napaatras nang nakita siya.
"S-Shaine?? A-anong nangyayari?!" Hindi na 'ko nakasagot sa tanong no Harry. Tinutukan kasi niya ko ng baril.
- Keith
Nabalot ng katahimikan nang biglang tumawag si Shaine kay Harry. Hindi ko masyadong mapakinggan ang sinasabi ni Shaine pero sa pananalita ni Harry parang tatakas si Shaine.
"S-Shaine?? Anong nangyayari?!" Sigaw ni Harry kaya nagkatingin na lang kami ni Rockz. Damn! Ano na'ng nangyayari?!
"Shaine, sumagoy ka! Anong nangyayari?! Sinong nandyan??!" Sigaw pa ni Harry na halata namang halos magwala na.
Magtatanong pa sana si Rock pero pinigilan ko na. Dahil kung ano man ang nangyayari kay Shaine, sigurado namang hindi maganda!
Nagulat na lang kami nang binato na ni Harry ang phone niya sa galit.
"T*ngina, Alcantara!" Sigaw niya at napasabunot na lang sa sarili.
"Dude, kumalma ka! Hawak na natin yung makakapagpatahimik kay David, okay?? Kailangan lang nating maghintay hanggang sa---" "Hindi, Kris! Hindi na 'ko makakapaghintay! Nasa panganib siya!" Sagot na lang ni Harry at napatalbo palabas.