Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 21: Plano
- Keith
Nakaupo lang ako sa isang bench habang nagmumuni-muni. Kamusta kaya si Harry dude? Depress pa rin kaya siya??
Sa totoo lang, simula pa lang noong una alam ko nang may gusto siya kay Shaine. Lagi niya kasing bukang-bibig. Kung hindi familiar daw, nakakairita naman, tapos sinabi pa niyang parang nakita niya na raw siya dati at kung anu-ano pa! Hay! Kwari pa kasing pa-deny-deny noong una e!
"Wow. Lalim ng iniisip ah? Kumusta?" Napatingin na lang ako nang dumating si Kent.
"Oh?? 8AM pa lang ah? Cutting ka agad??" Tanong ko dahil may klase ngayon.
"Huh? Hindi. Pinuntahan ko kasi si Shaine." Sagot naman niya at ngumiti. Napakunot tuloy ang noo ko dahil mukhang nakuha pa niyang pormahan si Shaine!
"Hoy, gago! Siguro naman maliwanang na sayo yung kahapon, diba? Kay Harry na yon!"
"Hay!! Oo, alam ko! Kaya nga nagcutting na lang ako e. Absent kasi si Shaine!" Inis na sagot naman niya at nagpout. Nagtaka tuloy ako.
Absent si Shaine?? Teka! Absent din si Harry, ha?! Edi kung ganon...
"Dude, tara!" Aya ko at napangisi na lang.
"Saan?" "Basta kasi!" Sagot ko at naglakad na. Bigla namang dumating si Harden.
"Dude, saan punta niyo? baka gusto nyong magsama??" Akbay niya kaya pumayag na lang ako. Siguro okay lang na tatlo kaming dadalaw. Hehe!
Hanggang sa naglakad na kami at nagulat na lang nang may umepal na naman. Biglang bumukas ang bintana ng isang sasakyang nakaparada sa gilid at lumitaw si Jack!
"Oh Saan punta niyo??" Tanong niya pero napatingin lang ako sa bagong kotse ng ugok. Naka-shades pa! Haha!
"Wala, dude, magliliwaliw lang." Sagot ni Harden at kuminang ang mga mata ng loko! Mukhang cutting rin ang isang 'to!
Dahil don, naging apat kami. Okay naman talaga sana pero nagulat na lang ako nang may tinawagan si Jack!
"Dude, hintayin lang natin si Kris, parating na. Tinanghali raw kaya hindi na lang papasok. Sasama daw siya." Nang sinabi 'yon ni Jack, napaface palm na lang ako. WTF! Bat parami yata kami ng parami?!
Dahil don, wala na kong nagawa kung hindi pumayag. Baka magalit lang si Kris pagsinabi kong hindi pwede.
Hanggang sa makalipas ang dalawang oras, nilangaw kami sa parking lot. Hayop! Nasaan na ang 'parating' na sinasabi ng gagong Jack na 'to? Dalawang oras na!
"Hay. Ang tagal naman!" "Anong petsa ba darating si Kris, ha?!" Reklamo ko. Hanggang sa may dumating na sasakyan at napaface palm na lang ako nang imbis na kay Kris, kay Jacob!
"Ayyye!!" Bati ni Jacob at bumaba ng sasakyan. WTF?? Hindi naman pati siya sasama, diba??
Napatingin na lang ako nang bumaba sila Rockz at Kris sa sasakyan niya.
"Oh? Dude, kasama mo pala yung dalawa?" Sabi na lang ni Jack kay Kris.
"Huh? Nagpasundo ako kay Rockz, dude. Sumama na rin si Jacob dahil tinamad magdrive. My car got confiscated, remember? Sinauli ko naman na yung sasakyan ni Harden kaya ito.." Paliwanag ni Kris.