Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 43: Popo
- Shaine
Ilang linggo na ang lumipas.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil simula noong party, parang lumayo sa'kin si Harry. Tapos lagi siyang wala sa bahay. Noong Christmas eve, bigla na lang din siyang umalis.
Hindi ko alam kung anong problema niya pero nagsimula 'to noong araw na may pupuntahan sana kami matapos mag-check sa isang motel. Nasa loob kami ng sasakyan at tinanong ko kung ano yung condom pero may biglang nagtext. Tapos bigla siyang nabadtrip. Hindi na tuloy kami pumunta sa pupuntahan namin at nang tinanong ko kung bakit, mas makakabuti raw na umuwi na lang kami.
Pagkatapos non, wala na.
Ang layo niya na sa'kin.
"Harry!" Tawag ko nang makita siyang paalis. Napatingin naman siya. Sa tingin ko may lakad ulit siya.
Parati na lang!
"Saan ka pupunta? Harry, may problema ka ba??" Tanong ko.
"Wala." Sagot niya kaya nakakainis.
"Harry. May problema ka ba sa'kin?? Bat mo ko iniiwasan, ha?" Tanong ko pa kaya napahinto siya sa paglakad.
"Wala akong problema." Malamig na sagot naman niya habang nakatalikod.
Nanggilid tuloy ang luha ko.
Kasi naman ang sama niya! Lagi na nga niya 'kong iniisnob, tapos hindi pa niya ko kakausapin ng matino!
"Kung ganon bakit ka ganyan, ha?! May nagawa ba ko?! Bat mo ba ko iniiwasan---" "Kasi gusto kita." Napatulala na lang ako sa sagot niya, lalo na nang l-lumapit siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Nawala tuloy yung inis ko . Siguro dahil sa pangatlong beses, sinabihan niyang gusto niya 'ko---Gusto mo pala ko e! Kung ganon bakit mo ko nilalayuan, ha?!
"Sinungaling ka!"
"Anong sinungaling don??"
"Iniisnob mo ko! Sinusungitan mo ko! Umaalis ka na lang lagi!!---Hindi lang 'yon! Halos madaling araw ka na umuuwi---tapos sasabihin mong GUSTO mo ko?!" Sigaw ko kaya napatitig siya.
"Kung ganon anong gusto mong gawin ko, ha??" Nakakainis pang tanong niya kaya hindi na 'ko sumagot at tumalikod na.
Pssh. Bat ba binabaliwala niya lahat, ha?! Bat parang pinamumukha niyang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko?! Oo nga! Step brother ko lang siya at wala dapat akong pakialam kung saan siya pupunta---Pero sabi niya gusto niya ako, diba?!
"Hoy! Pagong! kinakausap pa kita!" "Baka ikaw ang may problema, Shaine." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko pero tinabig ko lang.
Argh! Galit ako sa kanya!
Kinausap niya ko ng kinausap pero hindi ko siya pinakinggan kagaya ng pangiisnob niya sa'kin. Bahala siya!
"Makinig ka naman oh!" Nablangko na lang ang utak ko nang niyakap niya 'ko mula sa likuran. Biglang tumigil ang mundo ko.
Shit! Harry, ano ba! Bitiwan mo ko, natatanggal yung galit ko!
- Harry
"Kung ganon bakit ka ganyan, ha?! May nagawa ba ko?! Bat mo ba ko iniiwasan---" "Kasi gusto kita." Sagot ko at hinawakan ang dalawang kamay niya.

BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Ficção AdolescenteAng masungit kong step-brother, bow.