Chapter 32: Gusto Mo Ko

3.5K 59 3
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 32: Gusto Mo Ko

- Stefanie

Nagising na lang ako nang dahil sa sakit ng ulo. Grabe! Bakit ba kasi ako pumayag kay Wendy na ako ang bumangka kagabi? Heto tuloy, inani ko lahat ang sakit ng ulo!

Pagkadilat ko mula sa pagkakapikit, napakamot na lang ako ng ulo at agad kinapa ang cellphone ko para sana tawagan si Wendy. Kaya lang, narealize kong hindi ko kwarto 'to!!

Agad tuloy akong napatingin ako sa damit ko at--- SHIT! Ibang damit na ang suot ko?!!

"You're awake??" Nagulat na lang ako nang pumasok siya sa room galing Balcony.

Shit! Anong nangyari kagabi?!! Grabe! Nasuko ko ba ang bataan?!!

"A-anong nangyari?? B-bakit iba yung damit ko?!!" Nanggilid na luhang tanong ko. Damn! Hindi porket crush kita, gaganituhin mo na ko! Hindi ako papayag na ganon-ganon na lang!

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang napangisi siya.Shit! May ibig sabihin 'yon! Oh Lord! Sorry, I didn't know!! Kung alam ko lang na mangyayari to, hindi na dapat ako sumama sa plano ni Wendy!

"Don't worry. Hindi ako ang nagpalit ng damit mo, wala pa namang nangyayari sa'tin. Hahaha!" Tawa niya kaya parang nabunutan ako ng tinik, at the same time, napahiya!

Pssh. Akala ko ba naman kasi may nangyari na sa'min, yun pala---Wait?! Bat parang disappointed pa 'ko?! God, Stefanie! What are you thinking?! Isa pa, bakit naman gagawin sayo ni Kris yon, ha?!

"Haha! Pero kung gusto mo, sabihin mo lang. I'm always ready anytime, anywhere." Ngisi niya at parang may meaning kaya napalunok na lang ako.

"S-sira!" Sabi ko at napayuko.

Shit. Nakakahiya!---Teka nga?! Diba kasama ko kagabi ang BELOVED COUSIN ko?! Bakit hindi niya ko inuwi?! Argh! Patay ka sa'kin JACK! Isusumbong kita kay Mom sa oras na---SHIT!! S-speaking of Mom!!!

"May problema ba?? Are you hungry??" Tanong niya matapos akong makitang kabahan. Napaupo siya sa tabi ko kaya halos mawala sa isip ko si Mom.

Shit! Bat ba ganyan lang ang damit niya, ha?! BATHROBE lang! Pag ibang babae ang nasa harapan niya, baka ma-rape siya niyan!

Alam kong hiniling kong makasama siya but this is over!

"Oh??" Napangising sabi niya nang nahalata yatang napatingin ako sa katawan niya. Argh!! Stefanie!! Close your eyes, bitch!

"Hmm. May pagnanasa ka ba sakin??" Biro pa niya kaya natulala na lang ako, lalo na nang n-naglean siya sa'kin---Shit!

"K-kris, a-anong ginagawa mo??" Tanong ko nang n-napahiga na lang ako sa kama nang naglean siya at---Kris! PLEASE! Wag kang ganyan!

- Kris

Halos matawa ako habang pinapanuod ko ang bawat reaksyon niya. Pffft---She's so cute. Kung nakikita lang niya ang mukha niya baka matawa rin siya. Hahaha!

Nang namula siya sa ginagawa ko, napangisi lalo ako. Damn! She's driving me crazy!

"K-kris, a-anong ginagawa mo??" Kabang-kabang siya habang nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ginagawa ko 'to dahil gusto ko lang siyang pagtripan o seryoso na 'ko. But it doesn't matter anyway! Wala na 'kong pakialam kung ano sa dalawa. Basta ang alam ko lang, I'm starting to like it, haha!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon