Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 25: Never
- Shaine
"Harry, okay ka lang?" Tanong ko dahil parang bigla siyang nabadtrip. Paalis na kami ngayon at okay naman siya kanina pero bigla na namang nagsungit!
Napatingin na lang tuloy ako sa text ni Jacob. Nagtext kasi si Jacob, tapos simula noon bigla na siyang nabadtrip! I-imposible namang dahil sa text ni Jacob 'yon, diba?!
Matapos ang nangyaring 'yon hindi na 'ko pinansin ni Harry. Dalawang oras kaming bumyahe nang hindi niya 'ko pinapansin.
"Harry, galit ka ba?" Hindi na 'ko nakatiis. Ang sami kasi ng mukha ng sungit na 'to!
"Bakit?! Bat hindi ka na lang magtext dyan, ha?! Anong pakialam mo sa'kin?" Weird na sagot naman niya kaya hindi ko maintindihan!
"Ha? Anong magtext?!" Tingnan mong ang tulin niyang magpatakbo! Pagnagtext ako, mahuhulog ako! Gusto niya ba 'kong mamatay?!
"Pssh. Wag mo nga akong kausapin!" Badtrip na sagot lang niya kaya nakakainis! Ano na naman bang problema niya, ha?! Diba parang kailan lang ang sweet niya?!
Matapos 'yon, hindi ko na lang siya pinansin. Hanggang sa makarating kami sa isang sobrang gandang dalampasigan!
"WAAAAH!! Ang ganda ng sunrise!!" "Harry, tara picture tayo!!" Aya ko at agad binuksan ang camera ng phone ko. Bigla naman siyang naglakad palayo. Argh!
"Harry!" Tawag ko pero naglakad lang talaga siya. Tinawag ko pa siya ng tinawag pero hindi man lang ako pinansin!
Hanggang sa napatingin na lang ako sa phone ko nang may nagtext.
Si Jacob.
Titingnan ko pa lang sana pero napatingin na lang ako nang napasipa siya sa buhangin. Pssh. Ano bang problema ng sungit na 'to, ha?! Inaano siya ng buhangin?!
Dahil don, hindi ko na nareplayan si Jacob.
"W-wait, Harry!!" "Harry, ano ba!! Bakit ba galit ka na naman, ha?!" Sigaw ko at sumunod sa kanya. Hindi talaga niya 'ko pinansin!
"HARRY! Wag ka namang bastos! Ano ba talagang---" "Pssh. Bat ba hindi ka na lang makipagtext buong araw sa boyfriend mo, ha?!!" Sigaw niya kaya napatahimik ako.
"A-anong boyfriend?"
"Kung ayaw mo 'kong kasama, dapat tumanggi ka na lang nung tinanong kita!" Dagdag pa niya.
"Huh? A-ano bang pinagsasabi mo, ha? Sinong nagsabing ayaw kitang---Harry!" Nakakainis dahil hindi man lang siya nakinig sa'kin! Nang tinawag ko siya, ni hindi man lang niya 'ko nilingon!
Hindi ko alam kung anong problema niya pero nakakainis! Pasalamat pa nga kinakausap siya e!
"Pssh. Sige! Umalis ka! Wag mo 'kong kausapin! Bahala ka sa buhay mo!!" Sigaw ko na lang at lumakad papunta sa ibang direksyon.
Bat ba ganon siya, ha?! Kailan ko sinabing ayaw ko siyang kasama?! Diba kaya nga nandito ako dahil gusto ko?! Kung ganon, bat siya nag-iinarte?!!

BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Ficțiune adolescențiAng masungit kong step-brother, bow.