Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 24: His parents
- Kris
Hindi ko alam kung sinasadya ng tadhana na magkasama kami. Pero sa totoo lang, naiilang ako! Bakit?! Dahil sekreto lang 'to! Na kahit sila dude hindi nila alam at wala akong balak sabihin dahil nakalipas na 'yon!
"Umuulan??" Nagulat na lang ako nang nagsalita siya.
Shit. Naalala ko tuloy yung first crush ko! Bat kailangan ngayon pa ipaalala, ha?? Hindi ko alam kung sinasadya 'to o ano pero talagang parehong pareho! Ang magkaiba lang, ako ang nagda-drive dati!
Kinakabahan na nga ako nang dahil sa kanya, mas lalo pa 'kong kakabahan nang dahil sa ulan! Hindi kasi ako nagdadrive sa twing umuulan, at mas lalong hindi ako sumasakay ng sasakyan sa twing---Natauhan na lang ako nang hininto niya ang sasakyan.
"I think we should stop." Sabi niya at ginilid ang sasakyan. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil mukhang naaalala pa niya yung araw na 'yon.
"Do you still remember that day?" Tanong ko at napatitig na lang sa kanya.
"Ofcourse." "First time kaya kita makitang ngumiti non." Sagot naman niya at ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung anong reaksyon ko. Akala ko kasi nakalimutan niya na yung araw 'na yon. Akala ko rin, ayaw niya---Damn! Bat ko pa ba inaalala 'yon?! May iba na 'kong gusto ngayon, hindi na siya! Dapat ko nang kalimutan 'yon!
"Minsan nga iniisip ko yung dapat itatanong mo sakin dati." Dagdag pa niya kaya natahimik na lang talaga 'ko.
Hanggang sa unti-unti kong naalala yung mga nangyari ng mga panahong 'yon.
First year kami noon.
"Coach, I need to go!" Parang matataeng paalam niya kaya napatingin kami.
"Huh? Hindi pwede, Jack! Ikaw ang Ace natin! We need to train for the upcoming Basketball tournament!"
"Shit! But I need to, Coach! Babalatan ako ng buhay ng pinsan ko! Kailangan ko siyang ihatid pauwi!" Dahilan ni Jack kaya naagaw na lang talaga ang pansin ko. Crush ko sa si Stefanie Hyer simula pa lang nung first day. Gustong-gusto ko siyang makausap pero sa unang pagkakataon sa buhay ko, nahiya ako sa isang babae! Hindi ako makalapit sa kanya!
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto halos sambahin na ni Jack si Coach pero ayaw talaga siyang payagan.
"Dude, how about I'll drive her home?" Lakas loob na ko rekomenda ko kaya napayakap si Jack. WTF?! Hindi talaga 'ko pinayagan ng coach pero tumakas ako.
Dahil don, nakausap ko rin sa wakas si Stef.
Hanggang nasa loob na kami ng sasakyan at nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba siya o hindi.
Oo, sinabi ni Jack na never pa raw siyang nagkakaboyfriend! Pero gusto ko pa ring marinig 'yon galing sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya yung feelings ko at tanungin kung pwede ko siyang ligawan.
"Uhm." Panimula ko na kabang-kaba. Sa dinamirami ng naging fling ko, ngayon lang ako nahiya ng ganito! Tsk!
"Pwede bang malaman kung..."