Chapter 64: Dugo

2K 49 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 64: Dugo

- Shaine

"Hindi mo ba alam kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo?!! Alam mo ba kung ilang tao ang pwedeng masktan nang dahil lang sa gusto mong maging leader ng Despiteous?!" Sigaw ko pero napangisi lang siya.

Ang sama niya!

"Isa pa, ano bang mapapala mo kung maging leader ka, ha?! Bat kailangan pa ng ganito?!"

"Haaay! Alam mo ang daldal mo no? Hindi ba laruan ka lang naman nila?" Sabi niya kaya napakunot na lang ang noo ko.

"A-anong sabi mo??"

"Haaay! Hindi ko nga alam kung bakit pinabayaan ka lang ni David. Diba dapat ikaw ang alas niya ngayon?? Ang bobo niya talaga! " Dagdag pa niya. Hindi na 'ko natutuwa sa pinagsasabi niya.

Nang dahil don, napatingin ako sa paligid ko. Kailangan ko nang tumakas! Baka kasi sa pakikipag-usap sa kanya ay mahuli na ko ng dating sa baba.

Buti na lang nakakita ako ng kahoy.

"Tumahimik ka na nga!!" Hinablot ko ang kahoy at ipinukpok sa kanya.

Makakatakas na sana 'ko pero hinablot niya ang buhok ko!

"Saan ka pupunta?!!" Sigaw niya at tumingin na parang papatayin niya talaga 'ko. Nakakatakot!

"Bitawan mo ko! H-halimaw ka!"

"Pssh. Sira-ulo kang babae ka! Ang sakit ng ginawa mi!" Hinila pa niya ang paghawak sa buhok ko.

Nabato na lang ako sa pagkakatayo nang naglabas siya ng patalim.

"B-bitiwan mo 'ko! Parang-awa mo na! Ano ba!!" Sigaw ko pero hindi niya 'ko binitiwan. Sasaksakin na niya sana 'ko pero bigla siyang napabitaw.

May sumuntok sa kanya!

"Shaine! Ayos ka lang ba?!!" Napatulala na lang ako nang nakita kong napasubsob si Patrick. Inalalayan naman ako ni Jei.

"Jei! Kailangan nating pigilan si Harry! Baka kung anong mangyari kay David kapag hindi sila napigilan!" Kabang-kaba na 'ko sa mga nangyayari. Masyado nang magulo!

"Hay! Sabi na yung tarantadong 'to ang may pakana ng lahat! Alam ko naman kasing hindi kayang gawin to ni David!" Napasigh na lang siya.

"Oo Jei! Kaya kailangan na nating bilisan bago pa---JEI!!" Napaatras na lang ako nang bigla siyang hinila patumba ni Patrick.

Nagbuno silang dalawa.

"Shaine! Mauna ka na!! Bilis!! Hurry up before it's too late!!---AHH! Shit!" Napatulala na lang ako nang may nakitang dugo galing kay Jei.

S-sinaksak siya ni Patrick!

"JEEEEEEIIIII!!" Naiyak na 'ko. Napahawak naman si Jei sa tagliran niya habang si Patrick, nilapitan ako.

"Shaine! T-takbo na!! Kailangan ka nila!! Bilis na!!!" Sigaw ni Jei at niyakap si Patick. Hinila niya siya palayo sa'kin

"Argh! Panira ka talaga ng plano, Jei!! Manang-mana ka talaga sa kuya mong walang kwenta!!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko mapigilan ang luha ko habang ginugulpi si Jei ng lalaking 'to. Duguan na siya pero hindi niya binitawan ang lalaki.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon