Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 27: Hanggang Ngayon
- Jacob
"Haay. Alam niyo ba kung nasaan sila Harry, ha??" Tanong ko pagpasok ko pa lang ng rest house. Pinuntahan ko kasi si Shaine sa school, wala siya, at pumunta na rin ako sa bahay nila pero walang tao. Kahit si Manang, wala o kahit ang driver.
"Hmm. Baka nasa bahay?" Sagot ni Rockz.
"Hay! Yun nga e!" "Wala sila sa bahay. Pinuntahan ko naman si Shaine sa school, sabi naman ni Erica, hindi raw siya pumasok, tapos---"
"May pinuntahan yata sila Harry at Shaine." Nang sinabi 'yon ni Kent, napakunot na lang ang noo ko.
"Saan naman??"
"Oo nga, saan naman pupunta 'yon? Sa pagkakaalam ko, hindi ganon kagala si Harry ah?" Dagdag pa ni Harden.
"Isa pa, medyo allergic 'yon kay Shaine, diba?" Nagtatakang tanong ko pa at napasigh naman si Kent.
"Aba! Malay ko, hindi ko alam! Basta yun lang ang sabi sa'kin ni Keith." Si Keith? Pano naman nalaman ni Keith, ha?
"Hay! Bat hindi mo na lang i-text si Shaine?" Rekomenda ni Rockz.
"Pssh. Kanina pa ko nagte-text---But look! Anong oras na! Its 2PM! Ni hindi pa rin nagre-reply!" Inis na sabi ko. Nasaan kaya sila?? Kahit na umalis sila dapat magreply or magtext man lang siya, diba??
"Hay! OA ka rin, Jacob dude no?Friends pa lang kayo ganyan ka na. Paano pa kaya kung kayo na? Hahaha!" Tawa ni Kent kaya napairap na lang ako. Epal din talaga to no?? Malay mo naman kasi, diba?? Balang araw maging kami?
"Haay. Tumahimik ka na lang nga Kent!" Inis na sabi ko at tumingin ng masama sa kanya.
Hanggang sa nagulat na lang kami nang biglang nagsalita si Jack habang natutulog!
"Hmm. Tama ba yung dinig ko kanina??" Aniya.
"Haay. Tulog kasi ng tulog ang ulol. Ayan tuloy, pati sa panaginip, nag-i-sleep talk." Tawa ni Harden.
"Hahaha! Oo! Kakatakot nga---"
"Ulol! Gising ako!" Napatingin na lang kami nang inis na naupo si Jack mula sa pagkakahiga. Hay! Ibang klase rin to ah?? Gising na pala, hindi nagpaparamdam.
"Hmm. Ano bang narinig mo, dude??"
"Na may pasok yung mga babae ngayon. Totoo ba?" Tanong niya kaya napapocker face na lang kami.
"Haay! Pumapasok ka pa man din Jack, tapos hindi mo alam?!" "May Girls talk na kaartihan ngayon sa school. No Boys allowed, kaya wala tayong pasok.." Paliwanag pa nito. Pero kahit kaartihan yon, masaya pa rin ako.
WALANG PASOK! Hahahaha!
"Hmm. Ganon ba?" Nagkatinginan na lang kami nila dude nang napangiti ang ugok. Tapos bigla na lang nagsuot ng sapatos at nag-ayos.
"Teka! Saan punta mo??"
"Sa Girlfriend ko..." Sagot niya at---WTF?! May Girlfriend ba 'to?! Sa pagkakaalam ko simula nang nagbreak sila ni Erica, hindi na siya nagka-girlfriend, diba?! Woow!! Wag niya sabihing nakamove-on na siya?
"Dude, Ayos ka lang? May girlfriend ka??" Gulat na tanong tuloy ni Harden.
"Tss. Wala ka na ron!" "Anyway, hiramin ko muna yung gitara ni Harry sa bodega ah." Nakangiting sabi niya lang niya at umalis na.

BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Roman pour AdolescentsAng masungit kong step-brother, bow.