Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 20: Goodbye
- Jack
"Dude, didn't you heard me? I said we're here." Ulit ko pa pero hindi siya gumagalaw. Nasa tapat kami ng mansion nila at kanina pa niya ayaw bumaba.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan gayong pwede naman niyang sabihin na lang kay Shaine na gusto niya---Oh shit! Hindi pala pwede! Sigurado gulo lang 'to pagnagkataon! Mukhang type pa naman nila Kris si Shaine!
"Jack, I think she likes Jacob, and it seems like he likes her too. I better stop this." "Cause you know what?" "I treasure our friendship more than anything else." Wala na lang akong nasabi nang dahil sa sinabi niya.
Wow! Kailan pa siya naging Martyr, ha?
"Tss. Gago ka ba, dude?" Binatukan ko tuloy siya. "Oo, alam kong pinahahalagahan mo yung samahan natin, pero tandaan mong 'nasa huli ang pagsisisi.'" Payo ko kahit ayoko ring masira kaming magkakaibigan.
Kaya lang, kung ako yung nasa kalagayan niya, kung ako yung may gusto at seryoso talaga 'ko kay Shaine, magkamatayan na pero hindi ko talaga siya isusuko.
Natuto na 'ko.
Simula nang nagbreak kami ni Erica.
- Manang
Kinakabahan na 'ko sa mga nangyayari. Anong oras na wala pa rin si Sir Harry tapos biglang umiyak na lang si Ms. Shaine at nagwalk out noong sagutin ni Sir Harry ang tawag niya. Hindi naman niya sinabi kung bakit.
Dapat na ba 'kong tumawag ng pulis??
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may narinig akong busina ng sasakyan sa labas.
Nang nalaman kong si Sir Jack pala na kasama si Sir Harry, agad kong pinabuksan ang gate.
"Manang, pagsabihan niyo yang alaga niyo. Nakakalat kung saan-saan." Sabi lang ni Sir Jack nang iniupo si Harry sa sofa na lasing na lasing. Umalis na rin siya agad pagkatapos.
Hindi ko alam kung nangyari at uminom siya, pero siguradong papagalitan na naman siya ni Ma'am Hershy.
Bakit siya uminom? Mukha namang ayos siya kanina nung umalis siya ng hospital, diba? Ang pinagtataka ko pa, bakit umiyak si Miss Shaine?
Nang dahil sa takot na maabutan siya ni Ma'am Hershy sa sala na lasing na lasing ay ipinabuhat ko na siya sa anak ko pataas ng kwarto niya.
Hanggang sa lumipas ang ilang oras, hinintay ko sila Ma'am Hershy.
Sa totoo lang, magpapaalam sana 'kong umalis ngayong gabi kasama ng anak ko (driver). Nakatanggap kasi ako ng tawag na naaksidente ang bunso ko at kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon! Hindi naman ako mapapalagay na wala ako sa tabi niya pagginawa 'yon.
Napahinto na lang ako sa pag-iisip nang nagring ang telepono. Si Ma'am Hershy. Agad ko naman itong sinagot.
Matapos ang pagbati ni Ma'am, magpaalam na sana 'kong aalis kami ngayong gabi pero naunahan niya ko at sinabing may emergency daw sa kompanya. Kailangan nilang puntahan at ilang araw daw silang hindi makakauwi ni Sir Anthony. Bantayan ko raw ang mga bata.
"P-po?" "Pero, Ma,am, makikiusap lang po sana ako. Naaksidente po kasi ang bunso kong anak at kailangan daw po siyang operahan sa lalong madaling panahon." "Alam kong marami na 'kong utang sa inyo at sumosobra na po, pero gusto ko po sanang umalis ngayon kasama si Densio para masamahan ang anak ko sa operasyon niya." "Pakiusap po! Ilang araw lang..." Pagmamakaawa ko. Medyo matagal namang natahimik si Ma'am Hershy.