Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 54: Manliligaw
- Shaine
Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila Manang at Harry. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka isumbong kami ni Manang kay Daddy. Argh! Sabi ko naman kasi kay Harry, wag siyang matulog sa kwarto ko diba?! Ang tanga tanga ko pa dahil pumayag naman ako!
"Oh?? Tapos ka na ba magbihis??" Tanong niya pero hindi talaga 'ko mapakali!
"Harry, ano ba kasing sinabi ni Manang, ha??" Tanong ko pero snob lang ako.
Argh! Diba sabi niya hindi niya na ko iisnobin?!
"Isa." "Dalawa." Inis na bilang ko pero napairap lang siya.
Mukhang wala talaga siyang balak sagutin ako. Anong akala niya?! Aatrasan ko siya??
"Tatlo." "Sige! Dahil ayaw mo naman akong sagutin at iiwan mo na rin naman ako---Fine!" "BREAK NA TAYO!! Kalimutan mo na 'ko!" Sigaw ko at naglakad na palayo.
"WTF?! Anong break?! Shaine!!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin.
Hanggang sa nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Bitiwan mo nga ako!"
"Bitiwan?!" "Sa tingin mo bibitiwan kita matapos mong sabihing break na tayo, ha?!" "Bakit?! Hindi ba 'yon naman yung gusto mo?! Kaya hindi mo ko sinasagot kasi---" "Sa oras na breakin mo ko, isisilid kita sa maleta ko papuntang US! Hindi na kita papakawalan." Seryosong pagtatapos niya kaya napatihimik na lang ako.
T-Talaga, ha?!
"S-Sinungaling!" 'Yon lang ang nasagot ko at umirap.
Anong akala niya makukuha niya ko sa ganyan niya??
Pssh. Akala mo siguro ikaw lang ang marunong umirap no??
"Sabi nang wala nga, diba?!" Sagot niya pero naglakad na ko palabas ng mansion.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko nga alam kung bakit kami nakabihis.
Kaya lang nakakainis siya! Nagwalk out ako.
"Pagong! Wala kaming pinag-usapan ni Manang, okay?! Hindi ako nagsisinungaling!" Sabi pa niya kaya hinarap ko siya at tumingin ng masama.
"Wow! So anong ginawa niyo ni Manang?? Nagtitigan?! Tingnan mong ang tagal-tagal niyo tapos walakayong pinag-usapan??" Inis na sagot ko naman. Hmmp. Akala niya! Galit na talaga 'kosa kanya! Hindi ko na siya bati!
"Wala ngang---Fine! Sinabi ko na... bukas... bukas sasabihin ko na." Sagot niya kaya hindi ko maintindihan. Anong sasabihin niya, ha?! "Look. Sabi ko na nga ba hindi mo maiintindihan e. Pssh." Bulong paniya at napakamot pa sa batok.
Aba!
"Anong sabi mo??" Inis na tanong ko.
"Wala. Sabi ko, Bukas. Sasabihin ko na..."
"Na ano nga?!"
"Na ako yung sinasabi kong Manliligaw mo." "At na tayo na." Ngiti nya kaya natulala ako.
BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Ficção AdolescenteAng masungit kong step-brother, bow.