Chapter 49: Kapatid

2.8K 43 4
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 49: Kapatid


- Shaine

Nandito ako ngayon sa classroom. Sabi ni Harry, susunduin niya raw ako dito pero ang tagal niya. Sa totoo lang, pinigilan ko talaga siyang magcutting. Kaya lang kaya raw niyang i-perfect ang exam kahit nakapikit. Hindi na tuloy ako nakapagsalita.

Haay! Kahit kailan talaga si Harry!

Natauhan na lang ako nang biglang bumukas ang pinto.

Akala ko si Harry na ang pumasok pero hindi pala---Si wendy.

"Uhm. Hindi ka pa pala umuuwi, Wendy?? May nakalimutan ka---" Nagulat na lang ako nang bigla niya kong sinampal. First time kong masampal ng ganito kalakas at kasakit. Tumulo tuloy ang luha ko, para kasing galit na galit siya.

"B-bakit, Wendy??" 

"You---You're a bitch, a slut!! H-how could you do this to me?! Akala ko ba kaibigan kita?!" Sigaw niya habang nanginginig sa galit. Obvious naman kung bakit siya galit---Malamang dahil kay Harry!

"Wendy, wala naman akong ginagawang masama ah??" Napaiyak na sabi ko pero hinampas niya sa mukha ko ang napakaraming pictures. Sumabog lahat ng 'to sa table ko kaya napatingin ako rito. Lahat magkasama kami ni Harry.

"You're a slut! Mang-aagaw!! Akala mo mabait pero hindi naman!! Akala ko tutulungan mo ko para mapalapit sa kanya---pero inahas mo siya! You just stole him from me! MALANDI!!" Sigaw pa niya at dinuro-duro ako. Hindi ko naman maiwasang maiyak kasi pinaratatangan niya ko ng hindi totoo. Hindi ako BITCH at lalong wala akong inaagaw sa kanya!

"Ano?!! Are you happy, huh?!! Dahil nakuha mo na lahat ng gusto mo?!!" Dagdag pa niya at halatang nagtitimping wag akong masaktan. "Alam mo bang MAHAL ko siya, ha?! Na kahit ano gagawin ko para sa kanya!" Dagdag pa niya habang umiiyak.

Sa totoo lang, gusto ko siya sagutin. Gusto kong sabihing, WENDY, MAHAL KO RIN SIYA! WENDY SORRY KUNG NASASAKTAN KITA! NAGMAMAHAL LANG NAMAN AKO E! PAREHO LANG TAYO!

Kaya lang, hindi ko kaya. Ayokong masaktan pa siya.

"E-eh ikaw, ha?! Ano bang meron sayo?!! Ano bang kaya mong gawin para sa kanya?! You're just a STUPID girl who acts like an innocent but you're not!!" "Ano?!! Bakit hindi ka makasagot, ha?!! Bat di mo masabing nagkakamali ako?!! Bakit hindi mo masabing hindi totoo?! Dahil ano?! Dahil malandi ka?!" 

"Sorry, Wendy." Sa dami ng gusto kong sabihin, yun  lang ang sabi ko at niyakap siya. I am sorry, sorry kasi hindi ko kayang iwasan si Harry. Sorry dahil mahal ko siya. Sorry kasi nasasaktan ka ng ganito dahil nagmamahal ako.

"B-bitawan mo nga ako!" Sigaw niya at itinulak ako palayo."It's your fault!! Ikaw ang may kasalanan! Ikaw ang lumandi kay Harry! Dahil sa'yo, hindi na niya ko babalikan!!" Dagdag pa niya at pinagtaasan ako ng kamay.

Sasampalin niya sana ko pero hindi niya naituloy.

"Wendy, stop it!" Nagulat na lang ako nang dumating na pala si Harry. Nakahawak siya sa kamay ni Wendy na may tangkang sampalin ako.

Nang napatingin naman ako kay Wendy, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao, pakiramdam ko ang landi-landi ko.

"Ano?! tatanga ka na lang ba?! GET OUT!" Sigaw ni Harry kaya napatingin muna sa'kin ng masakit si Wendy. Napayuko na lang tuloy ako at napaiyak.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon