Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 34: Busted
- Harry
Simula nang sabihin kong gusto ko siya, hindi siya sumagot at iniwasan niya na 'ko. Nakakagago tuloy! Bakit ko ba sinabi yon?Ayaw niya ba sa'kin?? Mas gusto ba niya yung gagong---Psh. Ano bang problema ko?! Kaibigan ko si Jacob, diba?
"Lalim ng iniisip." Natauhan na lang ako nang nagsalita si Keith. Napansin ko tuloy na nakatitig lang sila Keith, Kent at Harden sakin at nakapalumbaba pa.
Ulol talaga tong tatlo na 'to! Anong trip nila ha?! Titigan ako buong araw?!
"Ayos ka lang??" - Keith
"Pwede ba?! Mind your own life!"
"Dude! Tell us the truth.." "May nangyari ba??" Tanong pa ni Kent at binigyan ako ng seryosong tingin. Hindi magandang pangitain, seryoso si Kent.
"Oo nga. Isa linggo na." "Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Shaine pero ang weird! May nagbago, dude." Gatong pa ni Keith at tumitig din.
"May ginawa ka bang kalokohan, Harry?" Dagdag pa ni Harden.
"Ano bang paki niyo mga ulol, ha?! Kalalaki niyong tao, mga chismoso!" Nakakabadtrip na nga, dadagdag pa sila.
"So kami pa ang ulol nung lagay na yon, ha?" "Balita ko close si Jacob at Shaine ngayon ah?" "Haay. Hindi na talaga ko magtataka kung isang araw mabalitaan na lang natin na---" "Shut up!" Dahil don, napatayo na lang ako at aalis na sana. Peste kasi 'tong mga gagong 'to! Pakialamero!
Kayalang may sinabi na naman si Keith.
"Why do you need to keep hiding it, huh? Bat hindi mo na lang sabihing gusto mo siya? Ganon ba kahirap 'yon?" "Boto pa man din kaming tatlo sa'yo tapos ganyan naman---" "Pwede ba?! Manahimik na lang kayo?!" Napamura na lang ako.
Iniiwasan niya na 'ko.
Hindi niya 'ko gusto.
Obvious ba?!
"Keith, tama na, okay? Hayaan mo siya. Hayaan mo siyang maunahan ni Jacob." "Hay! Biruin mo, ikaw ang araw-araw na nakakasama tapos mauunahan ka pa? WTF?! Hahahah!"
Nagtawanan sila.
"T*ngina! Pwede ba?! Binusted ako, okay?!" "Ano?! Masaya na ba kayo ha?! Ang galing, diba?!" Sabi ko na lang at napatahimik sila. Padabog naman akong umalis na lang dahil nadidemonyo lang ako.
Bakit ko ba kasi sinabi pa?! Dapat hindi ko na lang sinabi para sana hindi nagbago yung tingin niya sakin! Pero anong nangyari?! Lahat sinira ko! Dahil sa walang-kwentang nararamdaman ko, nasabi ko!
- Jacob
Nandito ko ngayon sa bahay nila Shaine. Wala akong magawa kaya pumunta ako. Hindi ko naman akalaing masasaksihan ko kung gaano siya ka-slow. Hahaha!
"Ehh?! Two plus two---ISDA?!" "Jacob! Four yan! Paanong naging isda, ha?! Hindi ka ba nakinig nung elementary ka, ha? Two plus two equals four!" Pilit niya kaya napa-face palm na lang ako.
Wala na talaga siyang pag-asa!
"Fish nga! Ang kulit mo talaga! Tingnan mo kasi oh! Hahahah!" Natatawang sabi ko at tinuro ang numbers.
Napatigil na lang ako nang nagring ang phone ko. Hay! Wrong timing! Ang saya na sana natahimik tuloy kami.
Si Harry?? Bakit kaya? Ngayon lang siya nagparamdam, isang linggo siyang iba.