Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 37: Una At Huli
- Jack
"Uy! Baby naman! Galit ka ba??" Habol ko sa kanya habang naglalakad siya palayo. Hindi naman niya 'ko pinansin kaya nakakainis lang!
Hindi ko kasi alam kung bakit pero may kasalanan na naman ako sa kanya nang wala naman akong ginagawa! Porket di lang ako nakapagtext kanina, nagagalit na naman!
Bat ba ganon ang mga babae, ha?!
"Hindi ako galit!" Sagot niya. Hindi raw galit pero kung makatingin sa babaeng kasama ko kanina halos lamunin niya ng buhay. Ano na naman bang problema niya?!
"Hey! K-kaibigan ko nga lang 'yon, okay?" Paliwanag ko at nagulat na lang ako nang bigla siyang humarap sakin at tumingin ng pamatay.
"Kaibigan?!! Kaibigan your face!!" Nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong tinulak. "Kung makahawak sayo WAGAS, tapos kaibigan?! Anong tingin mo sakin, Jack, tanga?! Wag ako, okay?! Wag ako!!"
Dahil don napasigh na lang ako.
Positive! Nagseselos nga siya!
"Baby naman! Hindi nga kasi ganon 'yon sa iniisip mo, okay? Wala akong kahit anong---" "Binigyan kita ng chance to make up with me, Jack! You said you love me so I believed! But what did you do, huh?!" Sigaw niya at maiiyak na.
"Baby, hindi naman kasi talaga ganon 'yon sa iniisip mo, okay?! It's just---"
"Argh! Baby your face!" Sigaw niya at tinulak ulit ako palayo. "Hindi pa kita sinasagot, nakikipagflirt ka na! Pa'no pa kaya kung sinagot kita?!
"Erica naman!" Hindi ko na maiwasang mapasigaw. OA na kasi siya! "She's only a friend, okay?! Nasiraan siya sa tulay! Alangan namang iwanan ko don yung tao, diba?!" Paliwanag ko. Hindi naman mawala ang masamang tingin niya.
"Kahit na! Bat di ka nagtext kanina?!!"
"Baby, nagdadrive ako! Ano namang gusto mong gawin ko, ha?" Malungkot na lang na sabi ko at napayuko.
Damn! Last chance ko na 'to! Kung kailan naman kasi nagseseryoso na ko biglang dumarating ang tukso!
Oo! Sige! Inaamin ko! Dapat talaga hindi ko talaga siya hinintuan. Kaya lang---Shit! Ang suot ng hikli niya, nasilaw ako sa ganda ng legs---Argh! Ano bang pinag-iisip ko?!!
"Bakit?! Pwede ka namang magtext habang nagdadrive, ha?!" Ayaw talaga niyang maniwala.
"Baby naman, 'wag ka ng magalit." Pag-iiba ko na ng usapan at niyakap siya.
Oo na mahina ako! Ikaw ba naman makakita ng nakamini skirt sa daan e!! Sorry! Lalaki rin naman ako, okay?? Pero hindi na mauulit! I don't want to lose her ever again!
"Promise, I'll never do that again." Seryosong sabi ko at tinaas ang kanang kamay.
"Wag mong ipangako, Jack! Gawin mo!" Inis na sagot naman niya.
"Oo na po. Gagawin ko. Kahit may makita pa kong duguang babae sa daan, hindi ko na papansinin.." Biro ko at ngumiti.
"Baliw!" Napangiti naman siya pero naglakad pa rin palayo.
"Teka?? Saan ka pupunta, ha? Akala ko ba ayos na tayo??" Malungkot na sabi ko at hinabol na naman siya.
Argh! Kung hindi ko talaga siya mahal, baka matagal ko na siyang inuwi sa bahay nila e! Kaso yun nga, mahal ko siya!
