Chapter 12: Mahalaga

4.3K 82 11
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 12: Mahalaga

- Kris

Nang dahil sa ginawa ni Wendy kay Shaine, kinausap namin siya. Gusto lang naman namin siyang kausapin na mag-apologize kay Shaine pero biglang dumating yung kuya niyang mukhang manok.

Matapos kaming gaguhin at pagsabihan na kung sino raw bang 'Bitch' si Shaine, nakuha pang magyabang. Mga nagtatapang-tapangan lang daw kami porket babae si Wendy.

Pssh. Porket nakasali lang sa isang malaking praternity na puro college students ang kasama, akala mo na kung sino! Kaya ito, napagkasunduan naming sugurin ang gago. Wala kaming paki kahit mga college pa sila!

"Hoy! Labios! What's your problem, huh?!" Sigaw ni Harry nang makapasok kami sa loob ng covered court kung saan sila madalas naglalaro kasama ang mga ka-prat mate niya.

Well, hindi na ko magtataka kung bat galit si Harry dahil ang balita ko malilintikan ang allowance niya nang dahil sa nangyari kay Shaine. Kaya ito, kanina pa nagtitimpi na maglabas ng sama ng loob.

"Oh? Mukhang naduwag na ang mga gago ah?" Nagtatakang sabi ni Keith dahil walang bakas ng tao.

"Pffft---Shit, dude! Natakot yata sa abs ko! Hahahah." Bagyo ni Jacob kaya napapoker face na lang kami. Hay. Ulol talaga 'to! Seryoso na't lahat nakuha pang magbiro!

"Hindi kaya nagkamali ng research si Patrick, Kris?" Singit ni Rockz at tumingin sa paligid. Wala naman kasing katao-tao.

Imposible! Nakikita ko silang laging naglalaro rito kaya---Napatigil na lang kami nang biglang sumarado ang pintuan ng covered court.

"Oh? Bat sumara?" Alarma ni Jack.

"Hala! Ayaw mabuksan!" Gulat na sabi ni Kent nang sinubukang buksan ang pinto. Pagkatapos, nagulat na lang kami nang nagsilabasan ang ulol na hinahanap namin kasama ang mga ka-prat mate niya.

"Shit. Ang dami!!" Sigaw ni Kent at nanlaki ang mga mata. Nasa thirty kasi mahigit ang mga gago at pito lang kami!

Nang pinalibutan ako ng limang tao, napailing na lang ako.

"T*ngna, Brad! Ito yung mayabang nung isang araw ah? Feeling gwapo ang gago!" Chismis ng isa sa mga ulol na nakapalibot sa'kin. Napakunot tuloy ang noo ko at agad siyang inistraight sa mukha.

Anong feeling gwapo?! Gwapo ako, ulol!

"Oh? Paano yan mga dude? One down!" Ngisi ko at napailing naman sila dude.

"Shit. Nauna si Kris! Limang libo! Wala na kong pera!" Badtrip na sabi ni Jack at biglang pinagsisikmuraan ang mga nakapalibot sa kanya. Napanganga tuloy kami.

Hayop! Three in a row?!

"Kris, Ilag!!" Sigaw ni Rockz pero huli na. I was hit by a 6 footer man. Napahawak tuloy ako sa kanang pisngi ko at pinunasan ang dugong lumabas sa bibig ko.

Hindi ako makapaniwala.

Napaglare tuloy ako sa t*nginang nagtangka.

"You f*cking d*ck!!" Sinikmuraan ko siya. Narinig ko na lang napalakpak si Kent nang dahil don.

"Wooow. I bow, Kris!" Sigaw ni Kent habang ilag lang ng ilang ang ulol.

"Boo, Kent! Go home!!!" Sigaw naman ni Jacob na pinapalibutan ngayon.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon