Chapter 61: In Between

2.2K 47 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 61: In Between





- Shaine

"Pakawalan niyo ko dito! Ano ba!! Sabi nang pakawalan niyo ko dito! Hoy! Makinig naman kayo!!" Sigaw ko pero para lang akong tanga, wala kasi ni isa man lang ang sumasagot.

Argh! Baliw talaga ang lalaking yon! Sa dinami-rami ng sinabi niya kanina nung bumabyahe kami, wala man lang akong malinaw na naintindihan.

Basta ang sabi lang niya...

Kaibigan.

Kapatid.

Tapos biglang minura niya si Kris.

Comatose.

Maghihiganti.

Ang bilis niya kasing magsalita e!


Argh! Ano ba kasing kasalanan nila Harry sa kaniya?? Bat niya pinag-iinitan si Kris?? Isa pa, bat kilala niya nga pala 'ko?! Tapos bat sa dinami-rami naman ng pwede niyang kidnapin, bat ako pa?!! Isa pa, bat kasama ng baliw na yon si Jei?!!

Sa totoo lang, madami akong gustong itanong sa mga taong yon! Pero dahil nga ayaw nila kong pansinin, sa tingin ko, kailangan ko na talagang magpapansin...

"Hooyy! Ano ba!! Seryoso na to!!! Peks man di na ko nagbibiro!! N-Na---" Sasabihin ko ba? "NAJE-JEBS NA KO!!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas.

Nagulat na lang ako nang may pumasok habang nakangisi.

Si Jei!

"Hay! Pasensya na Shaine ah, walang CR dito e. Kung gusto mo, jumebs ka na lang dyan. hehe." Biro niya pero imbis na matawa ako, napaseryoso ako ng di oras. Naupo siya sa tabi ko at napatitig naman ako sa kanya.

Ito na. Ito na siguro yung oras para malaman ko lahat.

"Jei! Sabihin mo nga! Ano ba talagang nangyayari, ha?! Bakit nandito ka?? Diba nasa airport ka kanina?! P-paanong---" "Uhm. Ganito kasi yan. Hmm... Paano ko bang ipapaliwanag na maiintindihan mo??" Napakamot na lang siya sa batok.

T-Teka?! May pinapalabas ba siya??

"Oh ito. Isipin mo na lang, lumulubog ang barko. Nalulunod si Harry at ang Daddy mo. Tapos kunwari may isa ka lang na salbabida. Kulang na ang oras mo at isa lang ang dapat mong piliing iligtas." "Ngayon, sinong pipiliin mo?" Tanong niya.

Ang tagal ko tuloy di nakasagot.

Si Daddy o si Harry??

Si Daddy?

Si Harry?

"Ha? Uhm. A-ang hirap naman ng tanong mo, Jei." Sagot ko at napangiti naman siya.

"Hmm. So mamimili ka talaga?" Sabi niya kaya napatahimik ako. "Well, parang ganon lang yung sitwasyon ngayon, okay?" Paliwanag niya. Medyo nagets ko tuloy.

"Wait! K-kung ganon sa baliw mo binigay yung salbabida mo, hindi kay Harry?!" Inis na sabi ko.

"Sinong may sabi??" Sagot naman niya.

"Eh obvious naman! Ba't mo naman siya tutulungang makidnap ako kung---" "Hay! Nagkakamali ka, okay? Dahil wala akong pinagbigyan ng salbabida." "Besides, hindi ko siya tinulungang kidnapin ka, okay?" Napasigh na sabi niya kaya napakunot na lang ang noo ko. Teka! Niloloko yata ako nit Jei eh?!

"E--Eeeh! Edi paano yon?! Parehas ayaw mo sa kanila??" Inis na tanong ko.

"Well, alam mo secret lang natin 'to." "hmm.. Hindi kasi ako marunong lumangoy, kaya yung salbabida---ginamit ko na lang. hehe." Ngisi niya kaya napataas ang kilay ko.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon