Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 13: Kuya
- Harry
"H-harry, ikaw kasi e!" "Bakit ba nakipagaway pa kayo nang dahil sa'kin, ha?! Dapat hinayaan niyo na lang!" Binatukan ko tuloy siya.
Sinisi pa 'ko, ha? Pagong talaga 'to! Anong gusto niya, ipagpatuloy pa rin ng babaeng 'yon ang pambubully sa kanya?
"Pssh. Bat ko yon gagawin, ha?!" "Ang ayoko sa lahat, sinasaktan yung mga taong mahalaga sakin." Sagot ko pa kaya bigla siyang napatitig sakin ng---SHIT! Ano bang pinagsasabi ko? B-baka kung anong isipin niya!
Nang sinabi ko 'yon, hindi ko naiwasang medyo pagpawisan. Shit naman! Tapos nakatitig pa siya sakin na parang---Argh!
"H-Hoy! W-wag mong lalagyan ng malisya yung---Nevermind!" Inis na sabi ko nang napansin kong parang lumalabas na defensive ako.
Pssh. Ano bang nangyayari sakin?! Bat kailangan ko pang magexplain? Kung talagang walang malisya 'yon, diba dapat hindi awkward ngayon?!
"Oo na! Wag kang mag-alala! Hinding-hindi ko lalagyan ng meaning! Kuya lang kaya kita!" Sagot niya kaya napatigil na lang ako.
Kuya, ha? Pssh:
- Shaine
Nakakainis talaga si Harry!! Lahat na lang ginagawan ng malisya! Anong tingin niya, ha?! Na maniniwala ako at magkakagusto ako sa kanya?!! P-porket napatitig lang, may gusto na?!
Psh. Wag niya sabihing gwapo siya no! Dahil mas gwapo si Kris sa kanya! 'Wag niya ring sabihing gentleman siya, dahil hindi siya gentleman! Argh. Kainis! Nakakahiya!
B-bat naman kasi naisip niyang may gusto ako sa kanya, diba?!
"Umalis ka na." Napatigil na lang ako nang sinabi niya 'yon.
"Huh?"
"Sabi ko umalis ka na!" Inis na ulit niya at umirap. Teka? Anong problema niya? Bakit out of a sudden nagsungit na naman 'to?! Tapos nang-irap pa!
"Harry, Hindi ako aalis, okay? Babantayan kita rito. Baka mamaya kung ano nang mangyari dyan sayo tapos---" "Bakit?! Kahit naman may mangyari wala ka namang magagawang Pagong ka, diba?!" Sagot niya kaya kaya nakakainis.
Ano bang problema niya, ha?! Bat bigla na lang nagalit?!
"Aba! Harry! Pasalamat ka nga babantayan pa kita dyan e!" Inis na sabi ko at nagpout. Napairap na naman siya.
"Then, no thanks. Hindi ko kailangan ng bantay mo." "Get out! " Aba! Sumosobra na siya! Bat ba ang arte niya?!
"Isa pa, bat kailangan mo pa kong bantayan?! Hindi naman tayo magkadugo, ha?! Nagpakasal lang ang parents natin kaya lang naging KUYA mo 'ko! " Napakunot na lang talaga ang noo ko nang sinabi niya yon. Argh. Kainis! Bat ba hindi na lang siya magpasalamat na nagka-kapatid siya ng kagaya ko, ha?!
"Ah! Ganon?! Sige! Bahala ka! Sa oras na may mangyari sayo, bahala ka buhay mo!" Inis na sigaw ko tuloy at umalis na.
Grabe! Ang arte niya!! Talagang kailangang ulit-uliting hindi kami magkadugo?!
Bakit?! Bawal ba mag-alala kahit naging Kuya ko lang siya dahil kasal na ang parents namin?!!Argh! Oo! Tama! Hindi totoong KUYA nga lang kita!! Bakit?! Porket ba ganon, hindi ba pwedeng mahalin---I-I mean bawal bang magmahalan bilang magkapatid?!!
Arrghh!! Basta!! I hate you, Harry!!
- Harry
Nagkamalay na lang ako nang sumakit ang sugat ko. Naramdaman kong may gumalaw sa'kin kanina pero hindi mo na matandaan.
Nang dumilat ako mula sa pagkakapikit, nagtaka na lang ako nang may maliwanag na liwabag ba sumilaw sa'kin. Sa sobrang liwanag, napapikit na lang ako.
Shit! Patay na ba ko? Ba't ang liwanag? Teka! Imposible! Imposibleng sa langit ako mapunta! Pero hindi! Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako? Baka naman hindi ilaw 'to at kumukulong apoy na ang nakikita ko?
Nang dumilat ako ulit, maliwanag talaga. Napakunot na lang ang noo ko nang maaninag kong ilaw pala ang liwanag na nakikita ko.
Nasaan ako?? Hindi ito yung kwarto ko!
"Harry, are you alright??" Nagulat na lang ako nang bumungad sakin ang alalang-alalang mukha ni Mom.
"Mom?? Where am I?" Medyo nahihilong tanong ko at nilibot sa paligid ang mga mata ko.
"Hospital.." Sagot naman niya at halatang alalang-alala. I hate it when I see her worried just because of me!
"Are you alright?" Tanong niya ulit at niyakap ako. Nagulat naman ako nang narinig ko na lang ang pag-iyak niya.
Damn! It's been in awhile since I heard it and it's really breaking me!
"Mom, don't cry.." Bulong ko. I really hate to see my mom crying!
"Fool! How can I not cry?! Tingnan mong ang lalim ng saksak ng anak ko!" "Harry, ano bang pinaggagawa mo, ha?! Totoo bang napaaway kayo?? Sabihin mo, sinong may gawa nyan??" Sigaw ni Mom at humagulgol. Napatitig naman ako sa kanya.
Habang nakatitig kay mom, parang medyo nabawasan ang sakit ng sugat ko. Hindi ko alam pero parang nakahinga 'ko ng maluwag. Matagal ko na kasing hindi natitigan si mom.
Tatlong taon na ang nakalipas simula nang titigan ko siya. Napansin ko tuloy na tumatanda na siya, pero kahit ganon, ang ganda pa rin.
"Harry!" Natauhan na lang ako nang tinawag ako ni Mom. I know she wants to know who did it but I won't tell her.
Why the hell would I tell her?!
"Ikaw, bata ka! Paano kung hindi namin nalamang may saksak ka, ha?!Don't you know that you almost run out of blood last night?!" Nang sinabi yon ni Mom, naalala ko si Shaine.
"Sinabi sa inyo ni Pagong ??" Tanong ko at napatango naman siya. Akala ko kasi nagalit na siya ng tuluyan sa pagtaboy ko sa kanya.
"Yes! And I'm really thankful, sinabi niya agad!" Dahil don, nilibot ko ang nga mata ko sa room at hinanap ang pagong.
"She's not here, Harry. Pumasok na siya kanina pa." Sagot ni mom nang nahalata yatang hinahanap ko siya.
Pagkatapos ay natahimik na lang kami.
"Harry. Shaine is sweet and kind. You should try to get along with her." Random na payo ni Mom kaya napayuko ako. Get along, huh?
"You know what last night, it seemed like she was really concerned about you." "Alam mo bang buong gabi ka niyang binantayan sa hospital?" Kwento pa ni Mom kaya hindi ako makapaniwala. Pssh. Concerned, ha?
Of course! Dapat lang!KUYA niya ko, DIBA?
