Chapter 11: Isusumbong kita!

4.3K 65 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 11: Isusumbong kita!

- Harry

Sa totoo lang, alam ko namang si Wendy ang gumawa non kay Shaine. Hindi ko alam kung gusto niya talaga kong galitin o papansin lang talaga.

Patay uloy ako nito kay Mom! Mahaba-habang sermon pagnagkataon! Hindi lang yon, baka manganib din ang allowance ko! At dahil mapapagilatan lang din naman ako, susulitin ko na!

"Ayos ka na ba, Shaine?? May masakit pa ba??" Nag-aalalang tanong ni Kris at inalalayan si Shaine.

"Ay ang kulit! Sinabi nang ayos na 'ko, diba?" Pabebe pa ang Pagong kaya napairap na lang ako. Parang kanina lang nung kaming dalawang lang dito, parang batang iyak ng iyak! Pssh.

"Shaine, wag kang mag-alala! Akong bahala sayo! Patay sakin yon!" Hangin ng duwag sa dulo (Kent).

"Hay! Kung hindi ba naman duwag." Parinig tuloy ni Jacob.

"Hoy! Jacob dude! Sinong duwag??" Maangas na tanong ni Kent at parang ang tapang pa. Gayong sa pagkakaalam ko, siya ang unang tumatakbo pagmay-away kami.

Haay.

"Ikaw Kent! Bakit? May problema ba?!" Maangas na sabi naman ni Rockz at biglang hinawi si Kent. Si Kent naman, tiklop.

"A-ah ganon?!"

"Oo! Bakit?" Sabat pa ni Jack at tinulak din siya kaya naman napasandal na siya sa Wall. Dahil si Jack, ang pinakabasag-ulo na ang nagsalita, wala na talaga siya.

"J-Jack naman, joke lang! Ha ha! Wala namang personalan! Wag kayong High blood masyado, dude! Unhealthy!" Pagpapakalma niya at minassage-massage pa si Jack. Napailing na lang tuloy kami nila Kris at napasigh.

Hay! Bat ba nasama si Kent sa Despiteous Eight?

"Harden, pakihatid mo nga si Shaine sa mansion." Utos ko at hinagis ang susi kay Harden.

"Okay."

"Teka! Bakit si Harden ang maghahatid sa'kin??" Tanong naman ni Shaine.

"May gagawin lang kami..." Sagot ni Keith habang inaayos ang kwelyo niya.

"P-pero magagalit si Tita! May dinner tayo ngayong gabi kaya kailangan maaga tayong umuwi! Hindi pwede! Ikaw ang maghahatid sakin!" Sigaw niya at sabay binalik sa'kin ang susi ng big bike ko.

"Anong tingin mo sa'kin, ha? Driver mo?" "Harden, ihatid mo na nga yan. Naririndi lang ako." Badtrip na utos ko na lang at lalabas na sana ng clinic.

"NO! Isusumbong kita kay Tita akala mo!!" Napahinto tuloy ako. What the hell?! At umandar pa talaga ang pagka-isip bata niya, ha?!

"Edi isumbong mo!"

"Argh! Ganon, ha?! Pwes, sasabihin kong ikaw yung may gawa ng sugat ko! Ikaw rin ang dahilan kung bat ako nabully! Sige!!!" Sigaw niya na tinuro ang sugat at mukhang iiyak na naman.

Hay. Ano bang problema niya?! Bat ba ang arte niya?! Bat kailangan ako pa ang maghatid sa kanya?! Anong tingin niya sakin, driver niya?!

"Edi sabihin mo..." Mapapatalitan rin naman ako.

"Shaine, dont worry. Hindi naman mukhang rapist si Harden katulad ni Keith. Safe ka dyan! Hahaha!." Biro ni Kent para pakalmahin sana si Shaine. Kaya lang tahimik pa rin siya. Napatingin tuloy ako sa kanya at napailing na lang nang nakitang umiiyak na siya. Argh!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon