Chapter 63: Katotohanan

1.9K 39 1
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter LV: Katotohanan

- Jei

Hinahanap ko ngayon si Shaine.

Sa totoo lang, may tiwala ako David. Alam kong wala siyang gagawing masama kay Shaine! Kaya lang sa mga kasama niya---wala!! Tabas pa lang ng mga mukha ng mga unggoy na 'yon, kinakabahan na ko!

Argh! Ano ba kasing nakain ni Shaine?! Sinabi nang poprotektahan ko siya, diba?!Patay ako nito kay Harry e! Baka hindi sumama papuntang US 'yon nang dahil sa kanya, at pag hindi siya sumama, yari ako kay Dad!

He'll kill me for sure.

Nagmamadali ako sa pagtakvo nang bigla kong nakasalubong si David.

"Oh? Bat ka nandito? Diba ikaw ang magbabantay sa mga ungas na 'yon?" Tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, baka kasi hindi siya maniwalang nakatakas si Shaine, baka akalain niyang pinatakas ko.

"Hinahanap mo ba 'to?" Hindi na niya 'ko pinagsalita. Inabot niya ang phone ko.

"Teka?! Paanong napunta sayo 'to, dude? Nahulog ko ba kanina?" Napailing na sabi ko at napahawak sa batok ko. Napasigh naman siya.

"Tsk tsk. Dude, mag-ingat ka sa susunod, okay? Kung ayaw mong mapasama." Kalmadong sabi lang niya kaya napakunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Mabalik nga tayo sa usapan, bat parang natataranta ka, ha?? Saan ang punta mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"David, sorry! Shaine is missing!" Napayukong sabi ko pero parang wala lang sa kanya.

"How??" Teka? Hindi ba dapat kinakabahan siya dahil nawawala si Shaine?!

Wala na siyang hostage!

"I-I dont know! I just left her and after that she's gone!" Sabi ko kaya napangiti siya.

"Wag kang mag-alala, hawak ko na siya." Kalmadong sabi niya kaya kinabahan na lang ako.

"What?! Dude, may ginawa ka ba sa kanya?!" Kinabahan na talaga 'ko. Napairap naman siya.

"Tinuruan ko lang ng leksyon." Walang emosyong sagot niya kaya nablangko na lang ang utak ko at napatigil.

"D-diba sabi ko akong bahala sa kanya?! Bakit mo---" "Pero pabaya ka, Dude. Hindi mo alam kung pano magpatahimik ng tao." Inis na sagot niya kaya wala na 'ko nasabi. Aalis na sana siya pero nabato na lang ako sa binulong niya.

"In just a shot." Pinilit kong kumalma dahil ayokong mag-away kami, kaya lang mukhang may ginawa nga siya kay Shaine.

Dati ko pa siya pinagsasabihan na itigil na 'to! Hindi ko alam kung impluwensya 'to ng mga kasama niya---pero sumosobra na siya!

"Dude, binalaan kita, diba? Sabihin mo! Anong ginawa mo sa kanya?! Nasaan si Shaine?!" Sigaw ko at bigla siyang nakwelyohan, binitaw naman niya ang kamay ko sa kwelyo niya.

Napakunot na ang noo ko nang napatawa siya.

"Gago ka talaga! Kumalma ka nga!" Napabitaw na lang ako nang dahil don. "Wag kang mag-alala, hindi pa naman ako ganon kagago para mangdamay ng babaeng wala namang kinalaman sa pagkacoma ni kuya."

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon