Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 35: Awkward
- Shaine
Umaga na. Kababangon ko lang galing bed. Hindi ako masyadong nakatulog dahil kagabi pa gumugulo sa isip ko si Harry.
Ano kayang ginagawa niya sa ngayon?? Nasaktan siya kagabi e.
Kung puntahan ko kaya siya sa room niya??
Pero ano namang sasabihin ko??
Hmm. Kung pumunta na lang ako sa room kaya niya mamaya?? Sa ngayon, kailangang mag-isip muna 'ko ng sasabihin ko sa kanya.
Ano kaya?
"Harry..." Panimula ko at tumingin sa salamin. Inimagine ko ngayon si sungit na nakatingin sakin.
"Gusto naman talaga kita. Lasing ka lang kagabi kaya---Wait! Ang pangit naman!" Napailing na sabi ko na lang.
Haay!! Paano ko bang sasabihing gusto ko siya?!
"Ehem." "H-harry, a-alam kong nasaktan kita kagabi, pero alam mo gusto naman talaga---Wait!! Parang ang pangit!" Napaupo na lang na sabi ko.
Hay! Bat di kaya batiin ko muna siya ng good morning para maganda yung simula? Pero hindi eh! May good pa ba sa morning matapos ko siyang saktan kagabi?!
"Argh! Ano bang sasabihin ko ha?!" Napaupo na lang tuloy ako sa kama at pinukpok ng pinukpok ang mukha ko ng unan. Ano nang sasabihin ko, ha?!
"Argh---Harry naman!! GUSTO KITA, okay?! Sorry sa kagabi kasi naspeechless lang ako! Ang totoo gusto talaga---" "N-nababaliw ka na ba?" Napatigil na lang ako nang biglang may nagsalita. Nang napatingin ako sa pintuan, n-nagulat na lang ako nang si Harry pala Shit!
Napalunok tuloy ako.
- Harry
Pssh. Ano na naman ba yung nasabi ko kagabi?! Langya! Bat ba kasi uminom pa ko?! Baka kung ano na namang isipin nung pagong na yon. Baka lalong di niya na ko pansinin!
Hay! Bahala na nga! Ipapaliwanag ko na lang yung nasabi ko kagabi. Sasabihin kong lasing lang ako! Basta sa ngayon, aayain ko siyang kumain na parang walang nangyari kagabi at last week. Yun lang.
Nang binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Shaine, nagulat na lang ako sa naabutan ko.
"Ehem." "H-harry, a-alam kong nasaktan kita kagabi, pero alam mo gusto naman talaga---Wait!! Parang ang pangit!" May kausap ba siya?? Mukhang seryoso ah?? Ni hindi man lang niya ko naramdamang pumasok. At kung tama ang narinig ko, ako ba yung kausap niya sa salamin??
WTF? Anong pinagsasabi nitong pagong na 'to?? Nakaapekto ba yung pagco-confess ko sa katinuan niya?
"Argh! Ano bang sasabihin ko ha?!" Pinukpok-pukpok pa niya ng unan ang mukha niya.
"Argh---Harry naman!! GUSTO KITA, okay?! Sorry sa kagabi kasi naspeechless lang ako! Ang totoo gusto talaga---" "N-nababaliw ka na ba?" Shit! Tama bang narinig ko?? Gusto niya rin ako?
"A-ano---e-e---k-kanina ka pa ba nandyan??" Parang nakakita siya ng multo sa tanong niya. Kung hindi niya alam, pati rin ako!
"A-anong---bakit ka nga pala n-nandito??" Tanong pa niya. Pinilit ko namang kumalma at umirap na lang kunwari.
