Chapter 69: Will You Marry Me?

2.3K 53 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 69: Will You Marry Me?

- Harry

Nang tinawagan niya 'ko, akala ko nakita niya na. Akala ko nagkautak na rin siya sa wakas. Kaya lang nagkamali ako. Hindi ko na ngayon alam kung matutuloy pa ang plano ko.

Bakit ko ba kinalimutang PAGONG siya?!

"Sungit, ang ganda ng BAGONG RELO ni Wendy no?" Parinig niya pero hindi ko lang siya pinansin.

"Pero alam mo, the BEST talaga ang regalo mo! Biruin mo, KEYCHAIN?!" "Hindi lang yon, PAGONG pa! ANG GANDA!" Ngiti niya na kulang na lang at gusto nang ibato sa'kin yung keychain.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang, gusto ko na siyang iuntog sa pader kahit ngayon lang.

Bakit ba kasi ang tanga tanga niya?!

Sa totoo lang mas mahal pa yung pagong na 'yon kaysa sa relo ni Rockz! Hindi ba niya alam na imbis na bumili ng bagong Big-bike o sasakyan, mas inuna ko pa 'yon?!

Ni hindi man lang niya maisip kung bakit may zipper ang tyan ng Pagong! God! Ang laki ng zipper!! Wag niya sabihing hindi niya napansing---"May ZIPPER pa sa tyan! WOW! Ang ganda talaga!" Dagdag pa niya kaya napaface palm na lang talaga 'ko.

Shit! So alam niya palang may Zipper?!

- Shaine

Nakakainis! Slow ba siya?! Sana naman maramdaman niya ring gusto ko ng relo!

"Hindi lang yon, PAGONG pa! ANG GANDA! May ZIPPER pa sa tyan! WOW! Ang ganda talaga!" Dagdag ko pa na halos pigain na ang keychain sa harap niya. Hindi ko alam kung bakit pero napatingin lang siya ng masama.

H-hala! Nagalit yata?!!


Nang dahil sa nangyaring 'yon, nakonsensya na lang ako. Simula kasi nang dumating kami sa bahay, tuloy-tuloy lang siyang pumasok na parang walang kasama.

Hindi niya na 'ko pinansin.

"Mommy. Sad?" Pout ni Shawn pero umiling lang ako. Naiiyak kasi ako.

Argh! Kasalanan ko 'to! Dapat kasi magpasalamat na lang ako imbis na magreklamo! Hindi naman kasi talaga mahalaga kung anong regalo niya! Ang mahalaga nandito na siya, na nandito na ang lalaking hinintay ko ng apat na taon!

Kaya lang kadarating pa lang niya kahapon, magka-away na agad kami. Kasalanan ko talaga!

"Harry!" Tawag ko na nang makita siyang pababa ng hagdan. Gusto kong mag-sorry sa nasabi ko. Hindi ko man lang kasi naappreciate yung effort niya.

"Aalis lang ako." Paalam niya na hindi man lang tumingin sakin. Galit nga siya!

"Harry, wait! Pwede ba kitang makausap kahit---" "Nagmamadali ako, sa susunod na lang." Sagot niya lang kaya napayuko ako.

"G-ganon ba? Anong oras ka ba uuwi?"

"Ewan. 'Wag mo na 'kong hintayin." Sagot lang niya at umalis na.

Mas lalo lang akong nakonsenysa.


Makalipas ang ilang oras, nakaupo lang ako sa kama katabi si Shawn. Pinipilit kong makatulog pero hindi talaga 'ko makatulog.

Anong oras na pero hindi pa siya umuuwi. Nagtampo na siguro.

Natauhan na lang ako nang tumunog ang phone ko, napangiti ako dahil tumawag na sa wakas si Harr---Jei?!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon