Chapter 2: Gwapo

6.5K 113 16
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 2: Gwapo

- Shaine

Feeling ko ang tagal ng biyahe namin ngayon. Usually thirty minutes lang kasi ang biyahe, lalong tumagal pa dahil nagkatraffic. Kanina ko pa rin napapansin na sobrang daming building na rin ang nadadaanan namin, gayong wala namang building masyado dito sa probinsya.

Baka siguro biglang nagtayo.

"Manang, sure po ba kayo na ito yung pauwi ng bahay?" Tanong ko sa matandang kasambahay ng Bruhilda.

H-hindi kaya kidnap for ransom 'to?! Katulad ng mga nasa TV?!! T-tapos ipapatubos ako! Paghindi ako natubos ni Daddy, ililibing ako ng buhay at---Napalunok na lang ako nang dahil sa kakaisip ng mga pwedeng mangyari sa'kin. Tumatagaktak ang pawis ko.

WAAAH!! Hindi pwedeng mangyari 'to! Masyado pa 'kong bata para mamatay!!

"Uhm. Hindi pa po ba nasabi ng Daddy niyo sa inyo???" Napakunot na lang ang noo ko. Anong nasabi?? Wala namang sinasabi si Daddy, ha?

"Na sa bagong mansyon na po kayo titira." Mahinahong sabi ng matanda kaya napasigh na lang ako. Hay! Akala ko naman makikidnap na ko ng di oras! Buti naman---WAIT! Saan ulit kami titira?!!

"Teka! Ano pong bagong mansyon ang sinasabi niyo??" Sa pagkakaalam ko, hindi bumibili nang ibang bahay si Daddy dahil mahalaga yung bahay namin para saming lahat. Malaki ang sentimental value non kaya hindi kami lumilipat! Kaya ano yung pinagsasabi ni Manang na bagong mansion?!

Ano ba talagang nangyayari, huh?!

"Binenta na raw po yung lumang bahay niyo, Miss Shaine. Sa bagong mansyon na po kayo titira kasarama ang bago niyong pamilya." Ngiti ni Manang kaya hindi ako makapaniwala.

Ano?! A-anong binenta?!!

"NO! Hindi pwede!!" Para kong binuhusan ng malamig na tubi nang dahil don. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Daddy 'yon! Hindi pwede! Hindi namin pwedeng iwan yung bahay! Our family's memory is in there!! I promised to my mom before she passed away that I will take care of that house! Hindi pwede!!

Ano ba kasing gayuma talaga ang pinainom ng bruhildang yon kay Daddy, ha?! Lahat na kinuha niya sa'kin!  She got my Dad and even our poor mansion! No!! I won't just sit and accept this!!

"Manang, babalik po ako sa bahay! Ibalik niyo po ako!! Ngayon din! " Desisyon ko. Buo na ang loob ko! Hindi ako sasama sa kanila! Mag-sama na sila ni Dad but not our house!!

Kaya lang napailing si Manang.

"Pero Miss Shaine, gaya nga po nang sinabi ko, binenta na po ang bahay niyo. Sa ngayon po baka hindi na kayo papasukin sa subdivision.." Sagot ng matanda kaya halos maiyak ako.

Isa lang ang gustong sabihin ngayon.

I HATE YOU, HERSHY!!

I REALLY HATE YOU!!

- Harry

Pagkatapos nang kasal pumunta agad ako sa lugar kung saan kahit papano may nakakaintindi sa'kin.

"What's up, dude?" Bati ni Keith na umiinom at nagpopocker.

"Ang agang inom ah!" Iba talaga 'tong mga ulol na 'to. Ang aga-aga ang lakas ng tinutungga!

"So how's the wedding??" Tanong ni Kent habang nakahiga sa sofa at naglalaro ng PSP. Naalala ko tuloy yung kasalang nangyari kanina kaya napairap na lang ako.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon