Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 33: Cookies
- Shaine
"Sira ka talagang pagong ka!!" Sigaw ni Harry. Hindi kasi talaga 'ko lumabas ng room! May multo kasi, ramdam ko talaga! Peksman!
"Harry, ayoko nga! Natatakot nga ako!" Pout ko at napatigil na lang nang biglang tumunog ang phone ni Harry.
May nagtext yata.
"Ano yung tumunog??" Tanong ko, napatingin naman siya sa phone niya.
Napakunot na lang ang noo ko nang bigla siyang nangiti nang may mabasa yatang text.
Bihira lang siya ngumiti si Harry ah? Sino kaya ang nagtext?? Babae kaya?!
Ilang sandali ang lumipas matapos ang tanong ko, napasimangot na lang ako. Gaya pa rin kasi nang dati. Ano pa nga ba?
Hindi niya 'ko sinagot. Snob na naman ako!
"Harry, sino yung nagtext??" Ulit ko pa pero hindi niya 'ko pinansin. Naglakad na lang siya palabas habang nakangiti pa rin.
Argh! Inis talaga yung sungit na 'yon! Bakit hindi niya 'ko sinasagot?! Siguro babae yon no?! Sino ba yon?! Ano yung tinext?!
"Harry. Siguro nililigawan mo yung---" "Yep." Magbibiro lang sana ko nang bigla niya 'yon sinagot. Hindi ko tuloy alam kung mangingiti ako o maiinis.
Argh!. So matapos niya kong sabihan ng GUSTO niya 'ko, may nililigawan pala siya?! Sinungaling! Dapat talaga hindi na lang ako naniwala e!
- Harry
"Shaine! Kakain na!" Inis na na tawag ko sa kanya. Nagtataka naman ako kung bakit walang sumasagot.
Ano bang problema niya, ha?! Sinusumpong na naman ba ng kabaliwan?! Kahapon pa siya hindi lumalabas ng room. Kanina pa rin ako kumakatok dito.
"Hoy! Shaine!!" Sigaw ko pa pero hindi talaga siya sumasagot.
Wala naman siguro 'tong kinalaman sa text diba?? Haha! Ano bang pinag-iisip ko? Buti naman kung apektado siya nung sinabi kong 'nililigawan' ko yung nagtext!
"Hoy! Pagong! Hindi ka ba kakain?!" Hindi pa rin siya sumagot.
Isa pa!! Subukan lang niyang hindi sumagot, sisirain ko 'tong pinto!
"Hoy! PAGONG! Buksan mo nga 'to!! Ano bang problema mo?!!" Sigaw ko pero ganon pa rin siya. Sinusubukan talaga ko ha?!
Sa sobrang inis ko, kumuha 'ko ng knife. Kinalikot ko ang doorknob ng pinto niya at sinira 'to. Natanggal yung doorknob.
"B-bat mo sinira yung pinto?!" Gulat na sigaw niya nang nasira ang doorknob at makapasok ako. Kaya lang hindi ko na siya sinagot. Lumapit lang ako sa kanya at tumingin lang ng masama.
"Anong problema mo, ha?!" Tanong ko, napayuko naman siya habang nakaupo sa kama at may yakap na unan.
Bat ba ayaw niyang sumagot?!
"Bingi ka ba, ha?! Kinakausap kita!" Inis ko pang sabi at lumapit sa kanya. Kaya lang napakunot ang noo ko nang may napansin ako. "A-are you crying?!"
"H-hindi!!" Sigaw niya sabay tabing ng unan sa mukha niya.
"Pssh. Pagong ka talaga!" Inis na sabi ko at umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Roman pour AdolescentsAng masungit kong step-brother, bow.