Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 1: Pagong
- Shaine
"You may now kiss the bride." Sambit ng pari at nagbigayan ng matamis na halik si Dad at ang bruhildang 'yon! ,
Ugh! I want to kill that---"Shaine, anak! Come here! Picture taking na!" Ayoko Dad!! I dont want to be part of this stupid wedding!!! Hinding-hindi ako magpapakuha ng picture kasama yang babaeng 'yan!
Napatulala na lang ako kay Dad na hawak ang kamay ng babaeng 'yon. I really want to get rid of her! Bakit ba kasi ako pumayag dito?!! Siguro Panaginip lang 'to!!!
Tama! Isa lang 'tong panaginip!
"Shaine, hurry up!" Siguro mamaya magigising na 'ko! Mawawala rin yang bruhildang 'yan at hindi totoong nagpakasal si Daddy sa kanya!
"Hoy!" Napahawak na lang ako sa batok ko nang bintukan ako mula sa likod ng nakakainis na si Harry!
"Aw! Inaano ba kita?!!" Isa pa siya! Ang sakit-sakit mamatok! Parehong-pareho sila ng nanay niya! Argh!! Naha-highblood ako nang dahil sa kanila!
"Pssh. Hindi ka lang pasaway, bingi ka pa!" Napabuntong hiningang sabi na lang niya at saka nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya na parang walang pinoproblema sa buhay.
Naglakad siya papunta sa altar, kung saan magpipicture taking. Akala mo kung sinong payag siya sa kasal ngayon! Argh!
"Hindi ako pasaway no! Mas lalong hindi ako bingi!!" Sigaw ko naman sa kanya at padabog na sumunod.
Pasalamat siya para sa Daddy ko 'to! Pasalamat talaga ang mag-inang Hershy at Harry na 'to!
"Kuya, ayos na po." Masayang sabi ng bruhildang babaeng katabi ni Daddy na nakasuot ng wedding gown na hindi naman bagay sa kanya. Pssh.
"Okay, bibilang po ako!" Paalala ng photographer.
"Isa." Unang bulang niya.
"Shaine." Napatingin na lang ako nang tinawag ako ni Harry. Nakakapagtaka dahil parang may kailangan siya at mukhang mahalaga. Hmm. Ano kayang problema ng lalaking 'to?
"Bakit?" Tanong ko at lumapit sa kanya
"Two." Pangalawang bilang ng photographer.
"May sasabihin ako sayo, mahalaga. Lapit ka pa rito." Seryoso at mahinang sabi niya kaya lumapit pa ko sa kanya.
"Ohh?? Ano??" Nakakacurioys kaya lumapit pa 'ko. Bigla naman siyang tumitig ng sobrang lalim kaya napatitig rin ako sa kanya at napahinto.
"Three." Nito ko lang narealize na ang gwapo pala ni Harry! Ang tangos ng ilong niya, ang pungay ng mga mata, att parang ang lambot ng labi niya...
Hanggang sa bigla siyang ngumiti at nagulat na lang ako nang ginawang isang karumal-dumal na krimen.
Kasabay ang pagkislap ng camera.
"W-What the..." Napatulala na lang ako sa ginawa niya. Unti-unti rin akong napatingin sa kanya nang napasmirk siya. Lahat ng tao sa simbahan, napatingin sa'min, lalo na sa'kin.
"AHHHHH!! HARRRRRY!!!!!!" Sigaw ko na tuloy ng napakalakas. Napatawa naman si Harry at napatakbo dali-dali palabas ng simbahan!
Napahawak na lang ako sa mukha ko nang dahil sa ginawa niya at napangawa. Parang bata akong umiyak dito! Hindi ko na tuloy pinansin ang mga tao kahit na nakakahiya talaga!