Chapter 60: Brotherhood

2.7K 46 4
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 60: Brotherhood


- Harry

Binalikan ko siya pero wala na siya.

"D-Dude? N-nasaan si---" Magsasalita pa sana ko nang may narinig kaming malakas na pagbangga ng isang sasakyan sa labas. L-lalo na nang isang malakas na pagsabog.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at napatakbo palabas ng airport

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa labas. Basta ang alam ko lang, mananagot sila sa oras na may mangyaring hindi maganda kay---"Ja---Jacob?!" Napahinto na lang ako sa pagtakbo nang nakita kong nakahandusay sa lapag si Jacob a-at nang naabo ang big bike ko.

Nilapitan ko siya at tinulungang umupo.

M-mukhang siya yung binangga kanina at mukha namang nakailag siya kahit papano. Napatingin tuloy ako sa paligid ng mga oras na yon.

"Dude. N-nakita mo ba si Shaine?"

"Harry... Sorry..." Yun lang ang nasabi ni Jacob nang tuluyan siyang mawalan ng malay.

Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko ngayon. Hindi ko alam kung kakalma ba ko o magwawala o kung anong gagawin ko....

Sa mga oras na yon, isa lang na sabi ko.

"David Alcantara." Nanggigil na sabi ko at unti-unting tumayo.

Habang tumatagal, para tuloy akong nilalamon ng kaduwagan at takot ko.

Ngayon ko lang to maramdaman sa buong buhay ko. Wala naman kasi ako dating pinahahalagahan bukod sa sarili ko.

"Damn. Nahanap mo na ba si Shai---A-Anong nangyari sa Big---J-Jacob??!" Napahinto na lang si Rockz sa pagsasalita nang nakita niya ang big bike kong naabo at si Jacob na nakahandusay sa daan.

Humingi siya ng saklolo pero naiwan lang akong nakatulala.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Natauhan na lang ako nang biglang may tumawag.

Kahit hindi ko tingnan, alam ko na kung sino. Alam ko na kung sinong dimonyo ang tumatawag.

"Oh? Bat yata bumalik ka Harry dude? Baka maiwan ka ng eroplano mo?" Panimula niya pagkasagot ko ng phone. Nakuha pang tumawa.

"Sige. Pagbutihin mo, David. Dahil pagnakita kita, sisiguraduhin kong ililibing kita ng buhay sa oras na magkita tayo." Pinilit kong kumalma. Pinilit kong itago yung takot ko o kahit anong emosyon katulad lang ng dati kong ginagawa.

"Hay! Wag ka na ngang magtapang-tapangan, Harry. Sa pagkakaalam ko, nanginginig ka na ngayon sa takot e. Haha!" Kalmadong sabi niya pero hindi ko na yon sinagot. "Hmm Sige na nga! Tutal magkaibigan naman tayo DATI, pagbibigyan ko na kayo ni Kris. Magkita tayo sa dating tambayan. 10PM. Basta wag na wag kang tatawag sa kahit anong pulis, ha? Dahil sa oras na gawin mo yon, hindi mo masisikmura yung gagawin ko sa Girlfriend mo." Magsasalita pa sana ko pero may biglang nasingit na sigaw sa kabilang linya.

"AHHHH! P*ta! Ang sakit!" Napatahimik na lang ako nang may narinig akong sigaw ng lalaki. "Harrry!! Please! Wag kang pumunta rito! Please! Kaya ko ang sarili ko! Papatayin---Hmm. Bitiwan niyo---Hmmm!!" Hindi ko alam pero nataranta na lang ako bigla nang narinig kong naiiyak at nahihirapan na siya.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon