Chapter 8: Selos

4.6K 72 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 8: Selos

- Harry

Nakailang tingin na 'ko sa orasan. Ilang oras na ang lumipas, wala pa rin yung pagong na 'yon.

Argh! Bakit wala pa siya??! Binalikan ko siya kanina sa rest house pero wala na siya! Saan kaya nagpunta 'yon?!! Kabisado niya ba 'tong buong city?!

Sa sobrang inis ko, napaupo na lang ako sa sofa. Hindi na ko mapakali. Sigurado lagot ako kay Mom at Tito pagnagkataon!

"Sir Harry, ayos lang po ba kayo??" Tanong ni Manang na mukhang nag-aalala na rin sakin. Kanina pa ko di mapakali.

"Manang, alam niyo ba ang phone number ni Shaine??!" Tanong ko.

"Uhmm. Nakasage po yata sa telephone, Sir." Sagot ni Manang kaya tumayo na ko para tingnan ang number niya sa telephone. Kaya lang napahinto na lang ako sa paglakad nang may bigla akong narinig na busina ng sasakyan sa tapat ng mansion.

Sino yon??

Nang tumingin ako sa bintana, nakita ko ang sasakyan ni Harden. Pssh. Bat kaya nandito ang ugok na 'to?

"Manang, pakisabi sa guard papasukin yung sasakyan sa labas..." Utos ko at pinagmasdan ang nasa loob ng sasakyan.

Hanggang sa nakita ko si Shaine sa loob. Agad tuloy akong lumabas at hinintay na makalabas ang dalawa sa loob.

"Hey! What's up, Harden---Kris?" Nagulat na lang ako nang si Kris ang lumanas. Lalo na nang nagtatawanan sila. Mukhang close na close.

"Hey, Dude! I borrowed Harden's car last night, remember? Bati ni Kris matapos pagbuksan ng pintuan si Shaine.

Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa.

"Thanks, Kris." Namumulang pasalamat pa niya. Pssh. Kaya pala wala na siya nung binalikan ko siya, sumama na pala siya sa iba! Woow! Ang galing din no? Ni hindi niya nga kilala si Kris, sumama na siya agad.

"Uy! Harry may pasalubong ako sayo!" Ngiti niya at lumapit sakin. Inabot ang plastic cup na may lamang fishball.

"Pssh. As if I'll accept that." Inirapan ko lang siya. Agad akong pumasok sa bahay at iniwan silang dalawa.

Pssh. Dapat hindi na lang ako nag-abalang bumalik kanina! Nag-aksaya lang ako ng panahon!

- Shaine

Habang magkasama kami ni Kris sa park kanina, halos mamatay ako sa kakatawa.

Tawang-tawa ako nang inis na inis siya kanina sa mga babaeng nagpapacute at nagpapapicture sa kanya. Isang bakol yung mukha niya pero imbis na umalis ang mga babae, lalo pang dumami.

Hmm. Sikat siguro siya no?? Hay! Sayang lang hindi ako masyadong nanonood ng TV at nagbabasa ng news! Pero infairness, mabait si Kris ha! Kumpara naman sa kilala ko na KABALIGTARAN niya!

MASUNGIT, HINDI PALA-NGITI, ISNABERO, at higit sa lahat,  MAARTE!!

Tama ba namang iwan at ipahiya ako kanina?!! Siya na nga yung naalalang pasalubungan tapos ganon pa siya?!! May 'As if I will accept that' pang nalalaman! Porket ba fishball lang, di niya na tatanggapin?!!

Wow! Choosy pa, ha?!

Natauhan na lang ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Miss Shaine, nandito na po ang daddy at mommy niyo!" Napatigil na lang ako sa pag-iisip ko nang sinabi 'yon ni Manang.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon