Chapter 22: First Move

3.9K 71 4
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 22: First move

- Shaine

Matapos ang sinabi niya kanina, nagkailangan na lang kami. Hindi ko na siya kinausap at ganon rin siya.

Dapat hindi ko pa siya kakausapin---pero hindi ko na kaya!! Napahawak na lang ako sa tiyan kong kanina pa nagwawala!

Anong oras na kasi! Hindi pa rin siya tapos! Marunong ba talagang magluto si Harry?! Hindi kaya niloloko lang niya 'ko?

"Harry! Ang tagal mo na dyan. Hindi ka pa rin ba tapos magluto?" Tanong ko at lumapit sa kanya nang nakapout. Hindi ko na kaya! Nahihilo na 'ko sa gutom!

"Tumahimik ka nga!" Sagot naman niya kaya bumalik na lang ulit ako sa sala. Binuklat ko na lang ulit ang magazine na kanina ko pa binabasa.

Haaay! Ang tagal naman ni Harry! Gutom na nga yung tao ang bagal-bagal pa!

"Gutom ka na ba talaga??" Nagulat na lang ako nang narinig ko ang tanong niya. Napatingin ako at hindi makapaniwala.

Ang sweet ng boses! Alam niyo ba yung salitang 'care'? Parang may ganon siya sa'kin! Teka! Si Harry ba ang nagsalita? Hindi kaya guniguni ko lang?

Hindi ko alam pero napatitig lang ako sa kanya nang dahil don.

"Dont worry. I'll think of something that I can cook with these. Puro gulay lang kasi ang laman ng ref at ang unti pa." "Hindi ko akalaing kulang yung ingredients." Paliwanag pa niya at tumitig na parang nag-aalala talaga. Hala! Ano nangyari?! Nalipasan na ba 'ko ng gutom?! O baka naman siya ang nakipasan bg gutom?! Nag-hahallucinate na kaya ako?! Imposible kasing si Harry ang nasa harapan ko e!

"U-uhm. O-okay lang." Wala na lang ako masyadong nasabi nang dahil sa gulat. Hindi ko kasi talaga alam ang magiging reaksyon ko! Anong nangyayari sa masungit na 'to?! Hindi ako sanay!

Matapos ang tanong niya, hindi na siya ulit nagsalita. Nakahiga lang tuloy ako sa sofa habang kumakalam ang sikmura. Feeling ko, may star na 'kong nakikita.

Napahinto na lang ako sa pag-iisip nang may naamoy akong sobrang bango. Agad tuloy akong napatingin sa direksyon ni Harry.

WAAH!! Ang bango!! Ang sarap ng amoy!!

"Tapos na po." Nagulat na lang ako ng biglang dumungaw si Harry sa counter at biglang ngumiti na parang ang bait-bait.

Jusko! Kung naghahallucinate po ako, please gawin niyo nang forever! Para naman hindi na magsungit pa ulit si Harry!

"Waahh!! Thank you!!" Dahil din, napatakbo na lang ako sa dining room kung saan niya binaba ang pagkain.

Hindi ko alam kung anong luto 'to pero mukhang masarap at amoy masarap! Pagka-upo 'ko tuloy sa seat, agad kong binanatan ang niluto niya.

"Waah!! Ang sarap!!" Sabi ko na lang habang sinulpak nang sinulpak ang pagkain. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa lungkot dahil sa mukha akong PG ngayon o maiiyak ako sa saya dahil nakakain na 'ko! Tapos ang sarap pa! Tapos ang bait pa ngayon ni Harry!

Ngayon ko lang tuloy nalaman ba may magandang side rin pala si Harry! Bukod sa pagiging masungit, magaling rin naman pala siyang magluto!! Siguro kapag nagkagirlfriend 'to, tataba--WAIT! Oo nga pala! May GIRLFRIEND na nga pala siya!

Si WENDY!

"Oh? Anong problema?" Tanong niya at napatitig nang napahinto ako sa pag-kain. Napatingin tuloy ako sa kanya at hindi ko alam pero ito na naman yung kabog nang dibdib ko. Ang bilis-bilis!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon