Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 59: Flight
- Shaine
Dalawang oras.
Ano ba kasing nasabi kong hindi maganda? Ano bang maling nagawa ko?
Isang oras at limang pu't siyam na minuto.
Shaine, kausapin mo siya! Aalis na siya mamaya.
Isang oras at limang pu't walong minuto.
Shaine. Alam mong hindi mo kaya pagnawala siya nang di kayo nag-uusap, diba?! Kausapin mo na---Argh! Ano na ba talaga?! Bat ba kasi bigla na lang siyang nagalit sa'kin?!
Masama bang magalit ako dahil hinulog niya ko sa upuan ng walang dahilan?! Ganon na ba kasama 'yon para di niya ko pasamahin sa Airport?!
"Shaine, magkaaway pa rin ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Stef.
Nakasakay kami ngayon sa van, sila lang dalawa ni Wendy ang sumama sa'min. Mapilit kasi kaming tatlo. Sa totoo lang, ayaw talaga kaming pasamahin, lalo na si Harry. Galit na galit siya sa'kin kanina nung sumakay ako sa van.
Pero ayokong magpaiwan ng magkaaway kami, gusto kong maayos to kaya sumama 'ko.
Para sa natitirang isang oras at ilang minuto, makapagsorry man lang ako, kahit hindi ko alam kung bakit kailangan kong magsorry.
"Stefanie, galit siya talaga sakin e." Malungkot na sabi ko habang nakayuko, si Stef naman hinawakan lang ang kamay ko.
"Kausapin mo kasi, sigurado papakinggan ka niya." Payo niya pero hindi ko kayang gawin yon. Nakakatakot kasi si Harry. Parang gusto niya kong murderin sa tingin ng sumakay ako kanina sa van.
"Stefanie. Ayoko, galit siya."
"Hmm.. Okay. Edi hayaan mo na lang siya na umalis nang hindi kayo nag-uusap." Kalmadong sabi ni Wendy na parang nangongonsenysa.
"Oo nga at dahil nga galit siya sayo nang umalis siya. Sigurado maghaganap yon ng ibang babae---Tama! Marami pa namang magagandang foreigner don." Gatong pa ni Stef na imbis na makagaan ng loob ko, lalo pang nagpasama.
"Teka! Parang ang tindi naman non, Stef ah? Hindi naman ganon si Harry. Siguro iinom lang yun don tapos may babaeng lalapit, tapos---Oh? Bat ang sama ng tingin niyo?" Napatingin na lang kami ng biglang sumabat si Jei.
Maalala ko nga pala! Katabi naming tatlo si Jei.
"Hay! Bat nakikisali ka sa usapan, Jei, ha? Can't you see?! It's a girls talk!" Inis na sabi ni Stef kaya nangiti na lang si Jei.
"Hmm. Kung ako sayo Shaine, kausapin mo na. Wag kang mag-alala, hindi yan galit sayo." Payo naman ni Jei na hindi pinansin si Stefanie.
"Oo nga. Diba mahal ka ni Harry? Sigurado mapapatawad ka non." Dagdag pa ni Wendy.
"P-Pero---" "Argh! No more buts, okay?! Kausapin mo na!" Nagulat na lang kaming tatlo nang napalakas yata yung boses ni Wendy, napatingin tuloy sa likod yung tatlo sa harap.
Si Harry naman parang wala lang narinig. Siguro nga galit talaga sakin.
"Hoy! Wag ka ngang maingay big eyes!" Inis na sabi lang ni Rockz kay Wendy.
"Wow! Who's talking, singkit?!" Inis na lang na sigaw ni Wendy at tumingin na lang saming dalawa ni Stef. "Hay! So ano na?? Matapos kong i-give up si Harry nang dahil sayo, ganon na lang??" Inis na sabi niya na alam kong lumalabas na ang pagkamataray.