Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 53: Yakap
- Shaine
Lumipas ang ilang minuto, magkatitigan lang kami. Wala akong balak sumagot ng Oo kasi ayoko. Ayokong iwan niya ko. Selfish na kung Selfish pero ayoko talaga!
"Shaine naman, mahal na mahal kita. Please wag ka ng umiyak." Pinunasan niya ang luha ko pero hindi pa rin ako sumagot. Ang alam ko lang ngayon, masakit palang marinig sa taong mahal mo na mahal ka niya pero iiwan ka naman niya.
"Please. wag ka ng umiyak." Pakiusap niya pero hindi talaga ko pumayag.
Hanggang sa napansin ko na lang na nanggigilid na ang luha niya.
"H-Harry, a-are you---" "Pagong naman! Wag ka na nga sabing umiyak, diba?!" Inis na sabi at tumalikod, natigil tuloy ako sa pag-iyak at napatitig sa kanya. Nang tumalikod kasi siya, may pinunasan siya sa mukha niya. Narealize kon tuloy na kung ako nahihirapan at ayoko sa ganitong sitwasyon, mas lalo na si Harry, na pareho lang kami ni Harry. Pareho kaming nasasaktan ngayon.
Makalipas ang ilang sandali, natahimik lang kami. Kinuha niya si Popo na nasa higaan ko.
"Dont worry, maiiwan naman si Popo." "Diba kaya ko nga pinili si Popo, para bantayan ka?" Ngiti niya kaya napatitig na lang ako sa kanya.
Sa totoo lang, naiintindihan ko si Harry. Ayaw niya lang naman mapakasal sa iba at mas lalong ayoko rin. Ayoko pero wala kaming magagawa. Desisyon ng Dad niya 'yon.
Matagal na kasunduan nila 'yon dati pa.
"Hmmp! Bat mo ba pinipigil umiyak, ha??" Pout ko.
Napangiti na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na umiiyak rin pala si Harry no?
Si Harry na masungit, na akala mo walang pakialam sa mundo,
Umiiyak.
- Harry
Kanina ko pa 'to pinipilit pigilin pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko akalaing mangyayari to. Dahil Simula yata nang naghiwalay sila Mommy at Daddy, ngayon lang ako ulit umiyak.
"Kainis ka talaga sungit! Moment ko to, bat inaagaw mo, ha?!" Pout niya kaya napangiti ako.
Damn! Bat ba kasi ako nagkakaganito nang dahil sa kanya?! Sa totoo lang, kung hindi ko siguro siya nakilala, baka hindi ako umiiyak ngayon e.
"Pagong ka talaga!" Niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"Oh! Ayan ka nanaman! Pagong ka nanaman ng pagong! Sinabi nang hindi ako mukhang pagong, diba?!" Pout niya at tumingin ng masama sakin, natawa tuloy ako.
Kahit kailan talaga slow siya.
"Ikaw kasi ayaw mong pumayag na hintayin ako." "Gusto ko lang naman malaman kung kaya mo kong hintay---" "Pag-iisipan ko." Napakunot na lang ang noo ko nang sinabi niya yon.
"Pag-iisipan mo pa?!" Inis na tanong ko.
Bakit kailangan pa niyang pag-isipan, ha?! Mahal niya naman 'ko diba? Siguro naman kaya niya kong hintayin, diba?!