Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 10: Transfer Student
- Harry
Umagang-umaga, napakunot na lang ang noo ko nang narinig ko ang pagkatok ng pagong na yon. Kanina pa siya!
"Harry! Bilis na! Baka malate na tayo!!!" Shit! Anong klaseng babae 'to?! 6AM pa lang ah?! 8AM pa ang pasok!! Hindi naman siya excited no?!
"HARRY!! TAPOS KA NA BA?!!!" Sigaw pa niya at sabay kalampag sa pintuan ko.
Argh! Kahit kailan talaga nakakarindi ang boses niya!! Bakit ba kasi kailangan pa niyang sumigaw?!
"HARRY---" "SHUT UP!! TAPOS NA 'KO!!" Badtrip na sigaw ko at binuksan na ang pintuan. Panira talaga ng araw 'tong babaeng to! Kahit kailan---WTF?!
"Uy! Harry, ang tagal mo naman!" Reklamo niya sa'kin. Napakunot na lang ang noo ko nang napatingin ako sa mukha niya.
Ano yung nasa mukha niya, ha?
"Oh! Natulala ka dyan??! Tara na!!"
"Pssh. Ba't ba kasi hinintay mo pa 'ko?! Pwede namang mauna ka na ha?!" Inis na sabi ko sabay irap. Napatingin tuloy ako kay Manang na kadarating lang.
"Sir Harry, gaya nga po nang sinabi ng Mommy niyo, isabay niyo raw po muna si Miss Shaine habang wala pang naha-hire na isa pang driver." Mahinahong paliwanag sakin ni Manang kahit alam ko naman na. Oo! Naiintindihan ko namang sasabay siya sa'kin! Ang hindi ko maintindihan, kung bakit sobrang aga niyang papasok!!
"Oh? Ano na? Tara na?!" Pano ngayon akong magka-cutting, ha?? Ang balita ko magkaklase kami, baka isumbong lang ako nito pagnagkataon! Badtrip!
"Tara na nga!" Inis na aya ko at padabog na bumaba sa hagdan.
"Hoy! Harry, wait naman oh!" Sigaw niya at sumunod sakin.
Naging mahinahon naman ang pagpunta namin sa garahe. Tahimik lang siya at mukhang sobrang saya ngayon. Hanggang sa pipihitin ko na sana ang gas ng big bike pero naramdaman ko ang pagkapit niya.
"H-Harry, pwede makiusap??" Tanong niya kaya binigyan ko siya ng ano-look. "Please naman paki bagalan yung pagmamaneho. Kasi alam mo bang nakadalawang oras ako para ayusin yung buhok ko?" Pakiusap niya kaya hindi ko talaga maisip kung anong oras siyang nagising. Mukang wala rin namang nagbago sa buhok niya.
"Oh? Harry, alam mo na ha?" Paalala niya ulit pero dahil nga badtrip ako dahil sa ginawa niya saking paggising kanina, umasa na lang siya! Hinarurot ko ang bigbike pagkaandar palang nito. Naramdaman ko na lang ang yakap niya kaya bigla akong napangisi.
Pfft. Tingnan natin kung anong magiging itsura ng dalawang oras mong buhok!
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa Cotwell Academy. Pinark ko ang bigbike sa reserved parking lot na para sa mga teacher. Bawal talagang magpark ang students dito pero---Ano bang paki ko?
Napatingin na lang ako sa guard na napailing at sawa ng magbawal dahil sa paulit-ulit na ginagawa ko.
"Kyaah! Andyan na siya!" Kinikilig na bungad ng mga babaeng naghihintay sa parking lot. Hay. Ano bang trip nila? Hindi ba sila nagsasawa kakahintay dito?! Kailangan bang araw-araw nilang abangan ang pagpasok at pag-uwi ko?
Napabuntong hininga na lang ako at napailing sa mga persistent na babaeng 'to. Hanggang sa maalala ko na may nakaangkas pala sa big bike.
"Baba na." Utos ko. Bumaba naman siya. Akala ko wala na siyang reklamo pero nang napatingin ako sa kanya, muntik na 'kong matawa. Hahahaha!