Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 31: Multo
- Kris
Umuwi na sila Shaine at Harry, pati na rin si Jack na napilitang kaladkarin si Wendy at yung apat na ulol dahil sa sobrang kalasingan. Knock out kasi sila sa tindi ni Stefanie. Ang lakas uminom!
Dahil don nakatulala pa rin ako sa babaeng nasa harapan ko na hindi ko maintindihan.
Damn! I dont know what to do! Bakit ba kasi iniwan siya ni Jack sa'kin?? Ang sabi, ihatid ko raw sa bahay nila, dahil daw malapit lang.
"Hoyy! Kris!" Tawag sakin ni Stefanie na bangag nang dahil sa alak. Habang nakatitig sa kanya, don ko narealize na napakaganda niya talaga. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumuko.
"Alam mo ba na kenina pa ko nag-aalala sa'yo?? Ano bang problema mo??" Dagdag pa niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko naman siya masagot.
Hay. Kung alam lang niya na siya yung problema ko! Kung alam lang niya na gulong-gulo ako sa kanya, simula ng gabing 'yon! At kung alam lang niyang narealize ko na hanggang ngayon, crush ko pa rin pala siya!
Argh! I did everything to erase her on my mind, but still it didnt work! Kahit na ipagsigawan ko pa sa buong mundo na si "SHAINE" ang gusto ko, my heart knows the truth. Na sa isang beses lang na nakasama ko siya, naging malinaw ang lahat.
Bakit ba gusto ko siya, ha?! Diba sumuko na ko dati dahil sa mababaw na dahilan na tomboy siya?! Anong nangyayari sa'kin, ha?!
"Sige! Alam ko na! It's because of Shaine, right? Haha." Sabi na lang niya at tumawa. I dont know but I felt something unreal. Something that---Ang hirap ipaliwanag!
"Talaga bang gusto mo siya, ha? Wala ba telagang chance man lang, ha??" Dagdag pa niya.
"Stefanie. I dont undestand what you mean." Sabi ko na lang dahil ang daldal niya. Simula nang umalis kasi sila Jack, she became like this. I dont know how to explain but I think she want to say something.
"Hay. Tanga ka ba?!" Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin ng masama. Napatulala tuloy ako. "Talaga bang manhid ka, ha?! Hindi mo ba alam na simula pa lang nung araw na 'yon, gusto na kita?!!! GANON KA BA KATANGA, HA?!" Sigaw pa niya kaya napatahimik na lang talaga 'ko.
H-hindi ko akalaing sasabihin niyang gusto---May gusto rin siya sa'kin?!!
- Harry
Hay! Ang payat naman niya, diba?! Pero bat ang bigat niya?! Kanina ko pa siya buhat-buhat, wala yatang balak gumising!
Sa totoo lang, hindi naman sa mahina ako, kaya lang napakahaba na nang nalakad ko nang buhat siya! Hindi naman kasi katulad 'to ng nasa mga movie na parang wala lang pagbinubuhat ng mga lalaki yung babae.
Dahil ang totoo nabibigatan din yung mga 'yon!
Malayo pa kami sa bahay nang may naabutan kaming taxi. Agad tuloy akong sumakay pero dahil nga napakswerte ni Shaine---Nasiraan yung Taxi!
Kaya ngayon naglalakad na naman ako, buhat ang lasinggerang Pagong na 'to!
Nang makarating kami sa bahay. Binaba ko na lang siya sa sofa. Hindi ko na kasi siya kayang buhatin pa pataas ng hagdan!
"Magdiet ka nga, Pagong!" Inis na sabi ko matapos ko siyang ibaba. Dahil mabait ako, kumuha na 'ko ng kumot at kinumutan ko na siya. Siguro okay na siya dyan sa sofa! Ang bigat niya e! Pag-inakyat ko pa siya, baka di ko na kayanin!